DOCUMENTS OF THE

 

Katipunan

HOME

Andres Bonifacio

Letter to Emilio Jacinto, April 16, 1897

 

Source: Adrian E. Cristobal, The Tragedy of the Revolution

(Makati City: Studio 5 Publishing Inc., 1997), pp.146-7.

 

Note:  The history of this letter, and the grounds for dismissing any doubts about its authenticity, are discussed in the posting titled Bonifacio's letters to Emilio Jacinto in the “Studies” section of this website. 

 

 

 

 

 

 

 

ANDRES BONIFACIO

       MAYPAGASA

P. ng K. Kapulungan

 

Naik ika 16 ng Abril 1897

 

M. Emilio Jacinto Pingkian

Kgg. na Pangulong hukbo

           

Buhat sa mga kaguluhan dito sa pagka pasok ng kalaban sa mga bayan ng Silang, P. Dasmarinas, Bakood, Imus, Kawit, Noveleta, Malabon, Tansa at Salinas, ay hindi ako bigyang panahun na makasulat sa inyo na sagutin ko ang inyong mga sulat sa akin, gayon mag pinilit kong makasulat diyan at maipadala sa ating Kapatid na si M. Nlltcllñllc Gxgbnrn [Antonino Guevara] na may malaking bagay na sa inyo’y ipagsasabi.

 

Ang inyong ipinadala dito ay aking tinangap na dalawang tarrong polvora, isang bayong na capsulang walang laman at tatlong pung piso.  Sa sulat ay nasasabing limang pu, datapua’t ito lamang ang idinating sa akin sa pagka’t di umano’y kinuha uli ng Kap. na Nakpil ang dalawang pung piso.

 

Ang sunod sunod na pagka agaw ng kalaban sa mga bayan ng nasabi sa unahan nito, ay buhat sa kakulangan nang pagkakaisa at pananatili ng dating kaugalian na pag iiringan ng mga pinuno na magpahangan ngayo’y nananatili pa, kahit inaabot na ang mahigpit na kalagayang tinatawid ng bayan.

 

Dito’y may tinangap na sulat si Capitang Emilio, na padala ng isang Jesuita na nagngangalang Pio Pi at isang Kastila na si Rafael Comenge ng hindi pa na aagaw ang Imus, doo’y hinihikayat ang mga pinuno ng Revolucion nabigyan na ng hanga itong paglalaban at di umano’y bibigyan tayo ng laganap na kapatawaran.  Ang nasabing Capitan Emilio ay mag ginawang Condiciones na ibig na hingin sa kaaway na gaya ng paalisin ang mga fraile, diputados a Cortes at iba pang mga bagaybagay, at itoy ipinahatid sa kay M. Mariano Alvarez at hinihingi ang kanyang pag ayon, itoy isinanguni sa akin at ng hindi namin sang ayunan ay ang ginawa ng taga Imus, ay sinulatan ng lihim ni Cap. Emilio ang mga Pangulo sa Bayang sakop ng Magdiwang.

 

Ang Presidente na si M. Mariano sa mapagtalastas ito ay tumawag ng pulong at singuni ang kalooban ng lahat, doo’y pinagkaisahang ipatuloy ang pakikilaban sa Kastila at aagaw ng ano pamang pakikipagyari.  Sa pulong na ito, ay pinagkaisahan na ibangon ang Gobierno ng revolucion; datapuat ang kinalabasan ay gulo, sapagka’t natuklasan ng lahat ang daya ng taga Magdalo, kayat nawalang kabuluhan ang pulong na yaon.

 

Sa mga kaguluhan dito at pagkatalo, ay ang mga tao rito ay nasira ang mga loob, at si Tirona, Kelles, Jose del Rosario na Mtro de guerra, Tte general at director de guerra ay nang si pagprisinta na sa Kastila kasama ng makapal na pinuno at taong bayan na taga Tansa, ito’y taong Magdalong lahat.

 

Sa mga kataksilang ito na namasdan ng mga kawal ni Capitang Emilio, ang lahat halos (ng mga K) ay naglulumuhod sa akin, na silay ilayas ko na at dalhin diyan sa atin; datapua’t hindi ko payagan ito sa pagkat ako’y naaawa sa makapal na taong bayan na walang kasalanan ay siyang aabutin ng katakot takot na pagkaligalig at kamatayan.

 

Ang mga taga Batangan ay napaiilalim sa kapangyarihan ng K.S. at kumikilala sa ating kapangyarihan at sa makalawa ay sisimulan nila ang pagsalakay sa walong bayan.  Sa pagsalakay na ito ay humingi sa akin ng saklolo at pinadalhan ko naman ng dalawang pung barilan at dalawang pung sandatahan at ng umaakay na General ay ang Kapatid na si M. Artemio Ricarte.

 

Ang bayan ng batangan ay nagtayo na ng isang Gobierno Provincial at ang general nila ay nag ngangalang M. Miguel Malvar, taong matalino at marahil ay mabuti kaysa mga dating kilala nating generales dito sa Tangway.

 

Kung palaring makuha ang bayan ng Lipa na isa ito walong bayan papasukin, ay doon nila ako inaayayahan lumagay at ng maitawid di umano sa Camarines ang panghihimagsik, kayat sa bagay na ito ibig kong maalaman kung ako’y lalong kailangan diyan ay diyan ako paparian at kung hindi ay dito ako mangangasiwa na.

 

Kinakailangang totoo ang tayo’y magkaroon ng continuacion sa pag galaw at ng lumaganap na mabuti ang panghihimagsik sa Sangkapuluan, kayat ibig kong mabatid na kung kayo’y nakasapit na sa dakong Bulakan at Nueva Ecija, at kung hindi pa ay magiiwan ako dito ng makapangasiwa at patungo tayo doon; sa pagkat kung hindi tayo kikilos, diya’y batid ninyo, na naririan si Vnvgrtc Llntñbñdnd [Mamerto Natividad], ay itoy di malayong gawin sa dakong iyan ang ginawa niya ditong paninira sa atin.

 

Ang armas ay hindi pa dumarating mag pahangang ngayon at ito’y isa pa na nagiging dahil[an] ng aking ikinatitigil dito.

 

Ang inyong ina ay na sasa Marigundong na kasama ng kanyang kamaganak doon at wala namang ano pamang sakuna ng pinagdadaanan.

 

Tangapin ninyo ang aking mahigpit na yakap.

 

                                                                        Ang K. Plo.

                                                           

                                                                        And... Bonifacio

                                                                        Maypagasa