|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Andres Bonifacio (attrib.) Ang
Dapat Mabatid ng mga Tagalog Source: Josι P. Santos, Si Andres Bonifacio at ang
Himagsikan (Manila: n.pub, 1935), pp.6-7. |
||
|
Introduction This famous patriotic rallying call was published under the nom
de plume Agapito Bagumbayan in the sole issue of Kalayaan, the
Katipunan newspaper, which came out in March 1896. A separate posting in the
Studies section of this website confirms beyond reasonable doubt that the Tagalog text transcribed here is authentic,
but acknowledges some uncertainty as to whether it was authored by Bonifacio
or Jacinto (or both) and whether it is exactly the same as the version actually
published in Kalayaan or a pre-publication draft. An English translation is appended beneath the Tagalog text. |
|
|
|
|
|
|
|
ANG DAPAT MABATID
NG MGA TAGALOG Ytong Katagalugan na
pinamamahalaan ng unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi
pa tumutungtong sa mga lupaing ito ang mga kastila ay nabubuhay sa lubos na
kasaganaan, at kaguinhawahan. Kasundo
niya ang mga kapit bayan at lalung lalo na ang mga taga Japon sila'y
kabilihan at kapalitan ng mga kalakal malabis ang pag yabong ng lahat ng
pinagkakakitaan, kaya't dahil dito'y mayaman mahal ang kaasalan ng lahat,
bata't matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang
pagsulat nating mga tagalog. Dumating
ang mga kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na di umano,
tayo'y aakain sa lalung kagalingan at lalung imumulat ang ating kaisipan, ang
nasabing nagsisipamahala ay ng yaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa
paghibo. Gayon man sila'y ipinailalim
sa talagang kaugalian ng mga tagalog na sinaksihan at pinapagtibay ang
kanilang pinagkayarian sa pamamaguitan ng isang panunumpa na kumuha ng
kaunting dugo sa kanikanilang mga ugat, at yao'y inihalu't ininom nila kapua
tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di mag tataksil sa
pinagkayarian. Ytoy siang tinatawag na
"Pacto de Sangre" ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinaka
katawan ng hari sa Espaρa. Buhat ng ito'y
mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong daang taon mahiguit na ang lahi
ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at
binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iguinugugol
natin ang yaman dugo at sampu ng buhay sa pagtatangol sa kanila; kinakahamok
natin sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanilay pasakop,
at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Ynsik at taga Holanda na nagbalang
umagaw sa kanila nitong Katagalugan. Ngayon sa lahat ng
ito'y ano ang sa mga guinawa nating paggugugol nakikitang kaguinhawahang
ibinigay sa ating Bayan? Ano ang
nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siang naging dahil ng
ating pag gugugol! Wala kung di pawang
kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang
ipinangakung tayo'y lalung guiguisingin sa kagalingan ay bagkus tayong
binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal
at magandang ugali ng ating Bayan; Yminulat tayo sa isang maling
pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating
Bayan; at kung tayo 'y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang
naguiguing kasagutan ay ang tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating
minamahal na anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating
dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang
nilalapatan ng sa hayop na kabangisan. Ngayon wala ng
maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagui ng guinagambala
ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan bunton
hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao't mga magulang ng mga kababayang
ipinanganyaya ng mga manlulupig na kastila; ngayon tayo'y malunod na sa
nagbabahang luha ng Yna na nakitil na buhay ng anak sa pananangis ng sanggol
na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong
tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon
lalut lalu tayong na bibilibiran ng tanikala ng pagkaalipin, tanikalang
nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuiran na sumisikat sa
Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang
landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya'y tanaw sa ating mga mata,
ang kukong nag akma ng kamatayang alay sa ating ng mga ganid na asal. Ytinuturo ng katuiran, na wala tayong iba
pang maaantay kundi lalut lalung kahirapan, lalut lalung kataksilan, lalut
lalung kaalipustaan at lalut lalung kaalipinan. Ytinuturo ng katuiran, na huag nating
sayangin ang panahon sa pagasa sa ipinangakong kaguinhawahan na hindi
darating at hindi mangyayari.
Ytinuturo ng katuiran ang tayo'y umasa sa ating sarili at huag antain
sa iba ang ating kabuhayan. Ytinuturo
ng katuiran ang tayo'y mag kaisang loob magka isang isip at akala at ng
tayo'y magkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan. Panahun na ngayong
dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon ng dapat nating
ipakilala na tayoy may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at
pagdadamayan. Ngayon panahun ng dapat
simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa
masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahun na ngayong dapat
makilala ng mga tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat
isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng
kamatayan na sa atiy inuumang ng mga kaaway. Kaya! oh mga kababayan! ating idilat ang bulag na
kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na
pag asa na mag tagumpay sa nilalayong kaguinhawahan ng bayang tinubuan. |
|
|
|
|
|
|
|
English translation Sources: This translation is my own, but
it draws heavily on two others - Reynaldo Clemeρa Ileto,
Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910
(Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1979), pp.102-6; and The
Writings and Trial of Andres Bonifacio, translated by Teodoro A.
Agoncillo with the collaboration of S. V. Epistola (Manila: Antonio J.
Villegas; Manila Bonifacio Centennial Commission; University of the
Philippines, 1963), pp. 2-3. WHAT THE
TAGALOGS SHOULD KNOW In
the early days, when the Spaniards had not yet set foot on our soil, this
Katagalugan was governed by our compatriots, and enjoyed a life of great
abundance, prosperity and peace. She
maintained good relations with her neighbors, especially with the Japanese,
and traded with them in goods of all kinds. As a result, everyone had wealth
and behaved with honor. Young and old,
including women, could read and write using our own Tagalog alphabet. Then the Spaniards came and offered us
friendship. It seemed they would help
us better ourselves and awaken our intellects, and our leaders were seduced
by the sweetness of their enticing words.
The Spaniards, however, were required to follow the custom of the
Tagalogs, and to bind their agreement by means of an oath, which consisted of
taking blood from each other's veins, and then mixing and drinking it as a
token of their sincere and wholehearted pledge not to betray the
agreement. This was called the
"Blood Compact" of King Sikatuna and Legaspi, the representative of
the King of Spain. Since
then, for more than three hundred years, we have supported the race of
Legaspi most bountifully; we have allowed them to live lavishly and grow fat,
even if we ourselves suffered deprivation and hunger. We have expended our wealth, blood and even
our lives in defending them, even against our fellow countrymen who refused
to submit to their rule; and we have fought the Chinese and the Dutch who
tried to take Katagalugan from them. Now,
after all this, after everything we have done, what benefits have we seen
bestowed upon our Country? Do we see them fulfilling their side of the
contract which we ourselves fulfilled with sacrifices? We see nothing but treachery as a reward
for our favors. Instead of keeping
their promise to awaken us to a better life, they have only blinded us,
contaminated us with their debased customs and forcibly destroyed the good
customs of our land. They have
instilled in us a false faith, and have cast the honor of our Country into a
mire of corruption. And if we dare beg
for scraps of compassion, they respond by banishing us, by sending us far
away from our beloved children, spouses, and aged parents. Every sigh we
utter is branded by them as a grave sin, and is instantly punished with brute
force. Now nothing can be considered stable in our lives; our peace is
now always disturbed by the moans and lamentations, by the sighs and plaints
of countless orphans, widows and parents of compatriots wronged by the
Spanish oppressors; now we are being deluged by the streaming tears of a
mother whose son was put to death, by the wails of tender children orphaned
by cruelty, and whose every falling tear is a like a drop of molten lead that
sears the excruciating wound of our suffering hearts; now we are being bound
ever tighter with the chains of slavery, chains that shame every man of
honor. What, then, is to be done? The sun of reason that shines in the East
clearly shows, to our eyes long blind, the way that must be taken; its light
enables us to see the claws of those inhuman creatures who bring us
death. Reason shows that we cannot
expect anything but more and more suffering, more and more treachery, more
and more insults, more and more enslavement.
Reason tells us not to waste our time waiting for the promised
prosperity that will never arrive.
Reason tells us that we must rely upon ourselves alone and never
entrust our livelihood to anybody else.
Reason tells us to be one in sentiment, one in thought, and one in
purpose so that we may have the strength in confronting the evil that reigns
in our Country.
And so! Oh compatriots! Let us dispel the
blindness from our intellects; let us resolutely dedicate our strength to the
triumph of our true and mighty cause, the prosperity and peace of our native
land. |
|
|