|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Andres Bonifacio Mararahas na manga Anak ng Bayan Undated
proclamation, circa March 1897 Source: Pedro S. de Achutegui and Miguel A. Bernad, Aguinaldo and the
Revolution of 1896: a documentary history (Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 1972), pp.329-32. [Tagalog text copied from printed broadside in the Dominican archives,
|
||
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
|
|
|
|
KATIPUNAN MARARAHAS NA MANGA
ANAK NANG BAYAN Ang inyong
ipinakilalang katapangan sa pakikihamak sa kaaway na mga kastila buhat pa ng simulan
itong panghihimagsik, ay siyang nagsasabing mataas na di ninyo ikinasisindak
ang ugong ng paghahanda at pagsalakay dito ng hukbong akay ni Polavieja, na
sa kaunting panahon ay nagpakilala na ng malabis na kaduagan at hamak na
kaasalan ng alipin sa kanyang pagpapahirap at malimit na pagpatay sa makapal
na kalahing hindi nagsisilaban. Yaong
pagpapasunog nito sa mga bayan, yaong paglapastangan at pagdungis sa
capurihan ng mga babai na di pinacundanganan ang canilang cahinaan, yaong
pagkitil ng buhay ng mga matatandang hindi na macausad at sangol na sumususo
pa, na cailan may hindi aasalin at gagawin ng sino pa mang lalaking may puri
at may tapang, ay humihingi ng isang masiglang paghihiganti at matinding
caparusahan. Sa inyong pamimiyapis
mangyayaring abutin ang cayo’y tanghalin bangkay sa gitna ng parang ng
pakikidigma; nguni’t ito’y isang kapurihang inyong maipamamana sa ating
Bayan, sa ating lahi, at sa ating angkan. Ang inyong
mapupugtong hininga, ay siyang magbibigay buhay sa ating Bayan at siyang matamis
na alaala sa gunita ng inyong mga kapatid na maiiwan. Dapat naman ninyong
mabatid, na ang kadahilanan ng ating paggugugol ng lalong mahalaga sa loob at
sampu ng ingat na buhay, ay ng upang tamuhin at kamtan yaong linalayong
Kalayaan ng ating Bayang tinubuan na siyang magbibigay ng buong caguinhawahan
at magbabangon ng ating kapurihan na ilinugmok ng kaalipinan sa hukay ng
kadustaang walang makatulad. Sasagi kaya sa inyong
loob ang panlolomo at aabutin ang panghihinayang na mamatay sa kadahilanang
ito? hindi! sapagka’t nakikintal sa
inyong gunita yaong libolibong kinitil na buhay ng mapanganyayang kamay ng
kastila, yaong daing, yaong himutoc at pananangis ng mga pinapangulila ng
kanilang kalupitan, yaong mga kapatid nating nangapipiit sa kalagimlagim na
bilanguan at natitiis ng walang awang pagpapahirap, yaong walang tilang pag
agos ng luha ng mga nawalay sa piling ng kanilang mga anac, asawa at
matatandang magulang na itinapon sa iba’t ibang malalayong lupa at ang
katampalasang [?] pagpatay sa ating pinakaiibig na kababayan na si M. Jose
Rizal, ay nagbukas sa ating puso ng isang sugat na kailan pa ma’y di
mababahaw. Lahat ng ito ay sukat ng
magpaningas sa lalong malamig na dugo at magbunsod sa atin sa pakikihamok sa
hamak na kastila na nag bibigay sa atin ng lahat ng kahirapan at kamatayan. Kaya mga kapatid,
igayak ang loob sa pakikipaglaban at paasaasahan ang pagtatagumpay, sapagka’t
na sa atin ang tunay na katuiran at kabanalang gawa; ang kastila, iyang
kasuklamsuklam na lahing dito’y napasuot, ang tanging ipinaglalaban, ay ang
maling katuirang panggagaga at panlulupig dito sa di nila bayan. Sa lahat ng ito, ng
malubos ang kabanalan at kapuirhan ng ating lahi, ng tanghalin ng
Sandaigdaigan ang kamahalan ng ating kalooban, ay huag nating tularan ang kalabang
kastila sa pagkahamak ng asal na ugaling gamit sa pakikidigma, huag tayong
makipaghamok sa kaibigan lamang pumatay, kundi sa pagtatangol ng Kalayaan ng
ating Bayan, at abutin sa mahigpit na pagkakayakap nating mga anak ng Bayan,
ay maihiyaw ng buong lakas na Mabuhay! Mabuhay! ang Haring Bayang
Katagalugan! ANDRES BONIFACIO Maypagasa Limbagan ni Z. Fajardo sa Malabon ó
Mapagtiis English translation KATIPUNAN BRAVE SONS OF THE PEOPLE The
bravery you have manifested since the start of the Revolution in fighting
against the Spanish enemy is the clearest proof that you are not terrified by
the noise of the preparations for the present invasion of the army of
Polavieja. That army, in such a short
span of time, has demonstrated marked cowardice and base conduct by torturing
and killing multitudes of our non-combatant people. Their burning of the towns, their
desecration of the purity of our women without regard to their weakness, the
murder of the old and of helpless infants – these acts are not those of any
man of honor and courage. They cry out
for vengeance and justice. After
the bloody encounter, you may perhaps be found lifeless on the battle field:
but this is an honorable legacy for our country, for our race and for our
family. Your dying breath will be the
breathof life of our nation and will serve as a loving memory to your
brothers whom you leave behind. You
must realize that the reason why we give our life and all that we have, is
for us to be able to hold and to cherish the much desired Independence of our
nation which will bring forth comfort and avenge our desecrated honor crushed
by slavery and buried in the abyss of subhuman treatment. Will
you be faint-hearted and reluctant to face death because of these? No!
Because in your minds is indelibly stamped the memory of thousands of
lives snuffed out by the ruthless hand of the Spaniards, the moaning and
weeping of those orphaned by their cruelty, our brothers chained within the
dismal prison cells with merciless tortures for their daily bread, the
seemingly endless stream of tears caused by bitter separation from children,
husbands, parents and the loved ones exiled to distant places, and the brutal
murder of our beloved countryman – Jose Rizal. All these have left a wound in our heart
which will never heal. These should
enkindle the most sluggish blood and should impel us to fight against the
ignoble Spaniards who have given us misery and death. Therefore,
my brothers, gird yourselves to fight and be assured of victory. On our side is the right. Ours are noble deeds. The Spaniards, that contemptible race that found
its way here, are fighting for the wrong.
They are annihilating and raping an alien nation. To
preserve the sanctity and glory of our race so that the world may recognize
our nobility, let us not imitate our Spanish enemies in debasing the conduct
of war. Let us not fight and kill
merely for the sheer desire of killing.
Rather, let us do so in defense of the Liberty of our country. Let us reach out our arms to embrace the
sons of our Nation, that together, with all our might, we may shout “Long
Live! Long Live the Sovereign Tagalog People!” ANDRES BONIFACIO Maypagasa |
|
|
|
|
|
|