DOCUMENTS OF THE

 

Katipunan

HOME

Artemio Ricarte

Declaration dated March 24, 1897

 

Sources: Photograph of the first page of the original document in Adrian E. Cristobal, The Tragedy of the Revolution (Makati City: Studio 5 Publishing Inc., 1997), p.131; photograph of the final four lines of the original document in Carlos Ronquillo, Ilang talata tungkol sa paghihimagsik nang 1896-1897, [1898] edited by Isagani R. Medina, (Quezon City: University of the Philippines Press, 1996), p.89; and transcription by Medina of the document in the same volume, pp. 88; 90; 91. 

 

 

Introduction

 

In this declaration Artemio Ricarte recounts how, “with great reluctance”, he had taken his oath of office as General-in-Chief (Pangulong Hukbo) of the revolutionary army, the position to which he had been elected at the Tejeros convention.   

 

The document was first brought to light by the historian Epifanio de los Santos, who is believed to have acquired the original in 1904.   In 1917 he included a Spanish translation of the text in a biographical sketch of Bonifacio he wrote for the magazine Philippine Review (Revista Filipina).[1]  His article, including the document, was then translated into English by Gregorio Nieva for publication in a subsequent issue of the same magazine.[2]  Nieva’s version is hence a translation from the Spanish rather than from the Tagalog, but whilst it departs from the original meaning at several points it has yet to be bettered.

 

Bonifacio sent this declaration to Emilio Jacinto together with his letter dated April 24, 1897.   

 

 

 

 

 

 

 

 

Ako si Artemio Ricarte “Vibora” may katampatang taong, taga bayan ng Batak, lalauigan ng Hukuman ng Ilocos Norte, kapatid sa K.K.K. ng mga A.N.B., at tumatahan dito sa Mapagtiis o Malabon sakop ng S.B. Magdiuang o Noveleta, ay nagsasaysay ng boong katotohanan at hanggang sa labi ng hukay ay aking haharapan.

 

Na sa oras na ikaanim ng hapon kahapon alinsunod sa isang liham sarinlan na kalakip nito, ay sumapit ako sa Convento ng bayan ng Tanza o Panguagui, at nadatnan ko ang Kgg. na Dakilang G. Emiliano Riego de Dios, Ministro de Fomento, at Kgg. na Dakilang G. Mariano Trias, Ministro de Gracia y Justicia ng S.B. Magdiuang, pati G. Santiago Rillo, Vicente Riego de Dios, at iba’t iba pang Guinoo sa bayan bayang nasasakupan nitong nasabing S.B.; at gayon din na nadatnan ko ang ilang Matataas na G. Pinuno sa S.B. Magdalo, at sa pagdating ko, ay namasdang kong nakahanda ang isang Crucifijo sa guitna ng Antesala ng nasabing Convento; at ang mga G. Pinunong nabangguit na, ay kapagkaraka’y nagsabi ng kadahilanan ng pagkahiling nila na ako’y humarap doon, at ualang ibang dahil, kundi ang pagtanggap sa pamamagitan ng isang panunumpa sa harapan ng Crucifijo at sa masid ng kalahatan o ilang bayan, ng katungkulang pagka Pangulong Digma ng Katagalugan, ayon sa kinalabasan ng pagkapulong ng arao na ika 22 nitong lumalakad na buan; sa bagay na ito, ay ipinakita ko muli sa kalahatang naroroon, ang malaking[3] kaayaoan kong tumanggap ng naturang katungkulan sa mga kadahilanang sumusunod:

 

Una- Aking pinasasalamatan ang paglabas ko sa paghalal na ito, na maging Pangulong Hukbo ng buong Katagalugan; datapua kinikilala kong may karumihan o kalabuan ang pagkaparaan ng pagkahalal sa akin; sapagkat napaguari ko na hindi nasunod ang tunay na kalooban ng mga taong bayan at;

 

Ikalaua – Iginagalang ko ang naturang katungkulan, at natatalastas ko ang kainyang kalakhan at kapangyarihan; at gayon din na natatakot ako ang buong aking nakakayanan sa lahat ng bagay, na lubhang kulang na kulang at maliit na maliit sa dahilang ito, natalos at napagkilala ko ang di ko karapatan; sa lahat ng ito, at hindi maaamin ng konsiyensiya ko ang pagtanggap ng nasabing katungkulan: Gayon ang unang isinagot ko sa mga G. at mga taong bayang naroroon na sari saring pinagbuhatan, na aking nakaharap sa Convento at nagpatalastas sa akin ng pagsumpa sa pagtanggap sa gabing yaon ng nasabing katungkulan.

 

Ako’y nagsabi rin na kung sa gabing ito’y maghahandog ng panunumpa sa pagtanggap na nasabi ng katungkulan, ay hindi ako makakaayon, dahil

 

Una --  Sa uala sa Kapulungan ang mga karamihang pinunong humarap sa paghahalal, lalung lalo na ang President ng pagkapulong sa nasabing oras na ika 22 nitong lumalakad na buan;

 

Ikalaua --  Sa pagkatanto ko na kung ito’y gagauin, siya ang pagmumulan ng malaking kaguluhan at hindi ipagkakaisa ng mga bayan bayan, anupa’t ipinahalata ko sa kalahatan ang totoong hindi pag ayon, hanggang sa ako’y humingi sa kaginoohan at sa taong bayan, ng dalauang bagay:

 

Patayin ako sa oras ng gabing yaon, sa kadahilanang nasasabi sa itaas na ito o bigyan ako ng tatlong oras na pahintulot o isang oras kaya at ng mapag isip ko ang mga bagay bagay na nararapat sa pagtanggap ng nasabing katungkulan; itong ikalauang bagay na hiniling ko, ay ginagaua kong paraan lamang, upang makaalis ako sa Kapulungang yaon.  Ang lahat na aking hiniling, ay ualang nangyari, sapagka’t ualang umayon ni kahit isa man lamang; sa madaling salita, sa himok at pag amu amo’y kalahatan sa pamamagitan ng Kgg. na Dakilang G. Emilio Aguinaldo, Pangulong Digma ng S.B. Magdalo, na sa oras ng ikaualo ng gabi, ay naghandog ng panunumpa, ang Kgg. na Dakilang G. Mariano Trias, Ministro de Gracia y Justicia ng S.B. Magdiuang bagaman, aking mauulit, na hindi maaamin ng aking kalooban, sa oras na ikaisa ng hatinggabing yaon, ay naghandog din ako ng panunumpa ng pagtanggap ng katungkulang pagka Pangulong Hukbo ng buong Katagalugan.

 

Ito ang buong katotohanan na kailanma’y hindi ko matatalikdan kaya’t sa arao na ito ika 24 ng buan ng Marzo ng taong isang libo, ualong daan, siam na put pito, ay linagdaan ko ng tunay kong pangalan, apellido at pamagat na tinataglay.

 

G. Artemio Ricarte

Vibora

 

 

 

 

 

 

 



[1] Epifanio de los Santos, “Andrés Bonifacio”, Philippine Review (Revista Filipina), II:11 (November 1917), pp.59-82.

[2] Epifanio de los Santos,  “Andrés Bonifacio”, translated into English by Gregorio Nieva,  Philippine Review (Revista Filipina), III:1-2 (January-February 1918), pp.34-58. 

[3] “Malaking” is the final word on the first page of the document; the preceding text has therefore been transcribed from the photograph in Cristobal’s book, and the subsequent text (with the exception of the last four lines) from Medina’s own transcription.  Wishing to render the text in a form familiar to the youth of the 1990s, however, Medina decided to modernize the orthography of the document (“binago ko ang pagbaybay).  I have sought to restore the orthography to Ricarte’s own, but this has meant making some guesses that might be wrong.