DOCUMENTS OF THE

 

Katipunan

HOME

By. Silanganan

Record of meeting held on March 15, 1896

 

                                       Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.15

 

Introduction

Balangay (By.) Silanganan, based in the district of Trozo, was formed in 1894 under the jurisdiction of Sangunian Bayan (Sb.) Dapitan.  In about March 1896, for reasons as yet unknown, Sb. Dapitan was downgraded to the level of a Balangay, and its former branches were re-organised. 

 

The document transcribed below records the election and induction of By. Silanganan’s new officers: “Alakdan” (Guillermo Masangkay) as president; “Buhawi” (Melecio Ruestra) as secretary; “Tambuli” as fiscal; and “Matapang” (Juan Cruz) as treasurer.  “Dimas Ayaran” (Pio Valenzuela) presided over the oath-taking in his capacity as fiscal of the Katipunan Supreme Council.  The meeting was held at the house of “Ipil” (Tomas Villanueva), who was a tabaquero.

 

The document is signed by “Matapang” (Juan Cruz), and confusingly he uses the title “President”, the position he held before the elections  but not afterwards.

 

 

 

 

K. K. K.

N. M. A. N. B

 

By. Silanganan

 

 

Sa pulung na ginawa ng araw ng Lingo, ikalabing lima sa bilang ng araw sa buan ng Marzo ng taung isang libu’t walong daan at syam na pu’t anim, ay nagsidalu ang mga K. na si Matapang, Alakdan, Dimas Ayaran, Buhawi, Matigas, Pakulin, Init, Madaluhung, Sibat, Totoo, Halimaw, Taga-Ilug at ang iba pang mga K, sa ibang By. sa bahay ng K. Ipil, ay binuksan ng K. P. ang Karurukan sa pagpalo ng tatlo ng ng bakal sa tansu sa dapit hapun.  at minulauna itong mga sumusunod.

 

Nauna:           Ipinag sabi ng P. ay maghalal na ng mga bagong pinuno sa By. Silanganan, ay ang lumabas na P. ay ang Kp. na Alakdan, ayon sa labing isang botos, Kalihim, ang Kp. na Buhawi, ang lumabas ayon sa labing dalawang botos, Taga usig ay ang lumabas ang Kp. na Tambuli, alinsunud sa labing isang botos, at ang Taga ingat yaman ay ang Kp. na Matapang, at pag katapus maihalal ang mga bagon Pinuno ay ang ginawa ng Taga usig sa K.S. ay pinasumpa sila ayon sa kani kanilang mga pangangasiwa.

 

Ikalawa:         Binasaang kasulatan ng nag daang pulong na ginawa ng ikalima, sa buan ng Enero ng taung ding ito, at pinapagtibay ng lahat, ang mga sinasabi doon.

 

Ikatlo:             Binasa ng Kp. na Matapang sa harap ng lahat ang dalawang ipinapalagay ng bagong K. namay pamagat na Palanyag (Roman Ramos) pag katapus binasa ay sumagut ang lahat ay pag usigin.

 

Ikaapat:          Inilibut ang suput ng saklolo ng Kp. na Tagalaan, ay ang nakuha ay sikapat labing walo, ay pinagkaisahan ng lahat ay ibigay sa asawa ng may bahay, at pag katapus ay ginawa ng Kp. na Tagausig sa K.S. ay sinarhan ang Karurukan sa bilang ng pag palo ng apat ng bakal sa tanso – at pina panumpa ang lahat.

 

           

            Maynila ikalabing lima ng buan ng Marzo ng taong isang libu’t walong daan at siyam naput anim.

 

 

                                                Ang K. P.

                                               

                                                Vntnpn’g