DOCUMENTS OF THE

 

Katipunan

HOME

Emilio Jacinto

Letter to Julio Nakpil, April 11, 1897

 

Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, s.n

 

 

 

 

EMILIO JACINTO

PINGKIAN

-------------------------

PANGULONG -DIGMA

         

 

M. Julio N. Giliw

 

Minamahal na kapatid:

 

            Tinangap kong malualhati ang inyong sulat at nabasa ko naman ang kalakip.

 

            Ayon sa inyong hinihiling na pasiya ko tungkol sa nabangit nang kalakip na sulat, ay inaakala ko na ang sulat na ito ay hindi nagbuhat sa taong may tunay na karapatang magpanukala, at magkuro naman ng wasto at katutuhanan ng mga balita at ng nauukol pagsakdalan at gawain.  Ang sinasabi niyang dumating na mga sandatang nababatid ko ay wala akong kamalay-malay; at kung sa General Emilio Aguinaldo naman natin tatalastasin ang tila lalung nauukol sa kay M. Andres Bonifacio, sapagka’t siya nating kinikilala, at siya namang nangangatawan lamang sa labanan ngayon doon sa lupang Kavite, ayon sa sabi ng nagsisipangaling doon at si M. E. Aguinaldo ay tunay daw pong tumatahimik na.

 

            Kaya po ako’y sa gang [?] ating sarili, kung sakali’t mayroong makapaparoon ay talastasin natin ito kay M. A. Bonifacio.

 

            Ako’y hindi mangyayaring makararating diyan bukas kung di sa Miercoles, sapagka’t tinawag ko ng pulong sa Martes ang pinagkikingan natin dito ng abuloy.

           

            Tangapin ang aking yakap.

                                                                                    Emilio Jacinto

11-4-97