DOCUMENTS OF THE

 

Katipunan

HOME

Emilio Jacinto

¡¡ Gising na, mga tagalog!!, October 23, 1895

 

 

                                          Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.83

 

Introduction

 

This stirring rallying call to the patriotic cause has the rhythm of oratory, and so far as is known it was never published. 

 

The piece is definitely in Jacinto’s handwriting, but for some unknown reason he has signed it “J. Aging” rather than with his usual alias “Pingkian”.

 

 

 

 

 

¡¡ Gising na, mga tagalog!!

 

Mahigit sa tatlong dan taun - ¡kahangahangang kalaunan! - na lumubug sa kalunuran ng bangis at daya ang araw ng ligaya nitong Katagalugan!  Mahigit sa tatlong dan taung tayo’y na sa dilim, dilim na nakapangingilabot ng gabi ng kaalipinan!  ¡At ang gabing ito’y tahimik na katulad ng mga libingan!  ¡at sa katahimikang ito’y walang ibang nadidingig liban ang kalauning nga mga tanikala, o kaya ang mapanglaw na daing o kaya naman ang binging galit ng pusung tinuhug ng kalis ng ganid!  Ang gabing ito’y malaun nang tutoo! ang himbing ng tulug ay nakakikutaya [?] na!...

 

....¿Hangang kailan, hangang kailan, mga tagalog, iisikat ang araw ng inyong lakas kasabay ng inyong kaginhawahan?  ¡Ay!  kung nakikita ang inyong kalagayan, pusu’y nagpuputuk, mata’y nagdidilim, dugu’y kunukulu at kusang napapahiaw ang tapat na dibdib: - ¿Diyata, mga kapatid?  ¿diyata’t kayo’y mamamalagi na sa ganitong kabulagan at kaalipinan?  ¿saan napatungo ang dahas at tapang ng inyong mga magulang niyaong sila’y nakipaglaban sa mga tagaibang lupang yaan nang di pagharian ng sino mang pusung itong bayang tagalog?  ¿saan napatungu ang dugu ni Kalipulako, ang masiglang hari sa Maktan, niyaong pinatay niya ang lilong si Magallanes?  ¿at saan nandoon ang matibay na pusu ni Soliman?  ¿Diyata mga kapatid?  ¿diyata’t kayo’y lagi nang nakagapus diyan sa dustang haligi niyang lubhang nakapupoot na kapusungan?  ¿diyata’t sa inyong buhay wala nang makikita, kung di hirap, dalita, sakit, lumbay, dusa’t kaamisan?...

 

¡Hayo na, hayo na bayan ko’t ikaw ay gumising! ¡ikaw ay magbangun, buksan ang mata mo’t ikaw ay magmasid, ay bayang kong sawi!

 

¿Nakikita mo yaung maghapunang nanga kabilat sa init ng araw, nangababasa sa ulan, at sa agus ng kanilang pawis at sa pagud ng kanilang katawang hapu na’y pinabubukal sa lupa ang bungang nagbibigay buhay sa lahat at nagbibigay sarap sa mga katawang may masamang loob?  Sila’y mga tagalog.

 

Tignan mo ngayon itong maghapunan ding nangakahilig sa malabambut at mayayam ang upuan.  Ang lalung masasarap na pagkain ay kanila, kanila ang lalung malalaking bahay, at ang lalung magagandang babai ay kanila din: lahat ay kanilang iniikaw, at sila’y pinapupugayan at hinahagkan ng kamay ng bata’t matanda.  Ito’y mga kahalili ng Dios, mga fraileng Kastila.

 

Saan man patungu ang iyong mga mata’y walang makikita kun di tagalog na nagdadalita at Kastilang mayaman, tagalog na naaapi’t Kastilang umaapi!

 

¿Bakit? ¿bakit ang mga sundalong tagalog na nakikihamak sa ngalan ng Kastila at sa mga kalaban ng Kastila; napagtitiis ng pagud, gutom at uhaw; na gumugugul ng buhay at dugu; at minananakaw sa nagpalaking magulang ang kabataa’t lakas na ipatutungkud sa dustang katandaan, bakit inaalipusta ng Kastila?

 

¿At bakit naman ang mga sundalung Kastila na inilalagu ang dibdib sa sandata ng kalaban kung nakikihamuk, pagkatapus nito’y inilalawitan ng sarisaring pala sa kahirang tapang na walang makapantay?  ¿Bakit ang damit nila’y hihiyasan ng mga guhit at bituing ginto, pagbubuka ng kanilang bibig isang mapait na tungayaw, pagkilos ng kanilang kamay, isang mahapding hampas?  ¿At bakit na lalu sila’y iginagalang ng tagalog?

 

Saan man, saan man ay gayon ang makikita.... nguni’t atin nang ihinto, atin nang hulugan ng masinsing tabing itong mga kalagimlagim na katutuhanan, at ating isipin ang lalung mabuting kagamutan.... “¿Anong isip isip pa? wala din tayong magagawa, wala tayong pagkakaisa.”  Ito’y siyang biglang isasagut ninyo sa akin na di na babayaang matapus mangusap.

 

Sa makatuid naghihinanakit kayo’t walang pagkakaisa, sa makatuid nasa ninyo ang pagkakaisang ito.  Datapuat kayo’y namamali, kundi man kami ay talagang minamali.  ¿Inaakala ninyong sukat na ang salita, sukat na ang nasa?  Kung sasabihin lamang ninyong kayo’y lumalakad, kung nasain ninyo lamang ang lumakad, ¿kayo kaya’y tunay ngang lumalakad, ¿kayo kaya’y dumating sa inyong paroroonan?  Gawa, gawa at gawa!  Kung kayo’y walang kapangahasang gumawa, ang inyong pagkakaisang sinasabi ay isang kasirungalingang ibinabalat kaya sa inyong karuagan; ang pagkaisang inyong ninanasa ay isang pangarap ng inyong kaloobang pinanungahan ng hamak na pagsasarili.

 

¿Ano ang inyong hinihintay?  ¿hinihintay baga ninyong sila’y siyang inaawasa inyo’t ibigay sa awang ito ang nauukol sa inyong mga matuid?  ¿hinihintay ninyong gawin nilang lahat ito, silang nabubuhay dahil sa kayo’y namamatay, silang nasa ginhawa dahil sa kayo’y nasa hirap, silang panginoon dahil sa kayo’y alipin?  ¿Hangang kailan pa mga tagalog kikilanlin ang tunay na pinagbubuhatan ng inyong mga kaamisan?  ¿Kailan ma’y huag antayin sa kanila ang ganitong awa: lalu’t higit pa nga; nang sila’y mamalagi sa sarap at ginhawa ng kanilang pamumuhay, walang salang iisipi’t gagamitin ang lahat ng paraan, kanilang sasandatahin ang lakas, ang daya, ang ating sariling mga kababayan at ang atin sariling mga kayamanang kanilang sinamsam; at sa ating kamangmangan at bulag na pagasa sa kanilang tapat na loob, tayo’y pipigain, tayo’y iinisin at saka lamang bibitiwan kung pati butu ng ating mga bangkay ay wala nang kapatak man ng taglay na katas.

 

¡Hayo na mga tagalog kayo ay gumising at magkaisa sa gawa!  Ang bawa’t isa’y lumingap sa lahat at ang lahat ay lumingap sa bawat isa.  Kayong lahat ay tunay na magkakapatid; iisa ang dugung tumatagbu sa inyong mga ugat; iisa ang inyong lupang tinubuan, iisa ang araw na namulatan ng inyong mga mata’t nagbigay init sa inyong katawan at iisa ang inyong pighati’t pagkaayop; ¿bakit di pagisahin naman ang inyong mga kalooban at kaisipan, upang maging isa din ang lakas ninyong lahat at nang walang mangahas lumibak at yumurak ng inyong mga banal na matuid?

 

¡Hayo na bayan ko, hayo na’t gumising!  Ang bibig mong malaung napipi ngayon ay mangusap, ang bingi mong tainga ngayon ay makinyig, at

 

“Makapangyarihang kanan mo’y ikilos papamilansikin ang kalis ng poot....”

 

¡Sukat na ang pagdarusa!  siya na ang pagtitiis!  !siya na ang pananangis!  Yaa’y nababagay lamang sa mga babai at sangol; ang mga lalaking may dangal at puri, may pusu’t lakas, ay guinagawa, nakikilaban at namamatay...!  ¡kayo ay gumawa, makilaban at matutung mamatay, mga tagalog!

 

J. Aging

23.10.95

 

 

 

 

English translation

 

 

Wake up, Tagalogs!!

 

For more than three hundred years – an amazing length of time! – the felicitious sun in this land of Katagalugan has been submerged and drowned by cruelty and deceit.  For more than three hundred years we have been in darkness, the horrifying dark night of slavery!  And this night is silent, like the graveyards.  And in this silence nothing can be heard except the clanking of chains, or perhaps melancholy lamentations, or perhaps the sterile anger of a heart pierced by the sword of hate!  This night is truly long!   Sleep is heavy, and deep [?]!....

 

When, Tagalogs, when shall the sun blaze, when shall you be strong and your suffering end?  Ay!  If one looks at your condition, your hearts bursting, eyes clouded, blood seething and righteous breasts filled with ardent desire:-  Is that true, brothers?  Or will you remain blind and enslaved?  What has happened to the mettle and courage of your forbears, who fought against those from other lands so that this country of the Tagalogs would not be ruled by outsiders?  Where now is the blood of Kalipulako, the defiant ruler of Mactan, who killed the traitor Magellan? And where is the strong heart of Soliman?  Were they not your brothers?  Will you forever be chained to the pillar of the oppression that causes great anger in your hearts?  Will you witness nothing in your lives but hardship, poverty, sickness, dejection, grief and oppression?

 

Forward!  Forward, my country and awake!  Arise, open your eyes, and look and about you, my unfortunate people!

Do you see who eats their lunch outdoors, exposed to the heat of the sun; soaked by the rain, and who with the drops of their sweat and the fatigue of their exhausted bodies raise from the earth the harvest that gives life to everyone and gives comfort to those whose spirits are debased?  They are Tagalogs.

And now notice who likes this afternoon to lounge in soft and luxurious chairs.  The most delicious food is theirs; theirs are the biggest houses, and the most beautiful women are theirs also; they have grabbed everything, and yet they are the ones to whom we, young and old alike, must doff our hats; they are the ones whose hands we must kiss.  These are the representatives of God, the Spanish friars.

Wherever you turn your eyes, nothing is to be seen but Tagalogs who are poor and Spaniards who are rich; Tagalogs who are enslaved and Spaniards who are enslavers!

Why?  Why are the Tagalog soldiers who fight in the name of Spain and against the enemies of Spain; who suffer exhaustion, hunger and thirst; who give their lives and their blood; who are taken away when their youth and strength should support their old and weary parents; why are they insulted by the Spaniards?

 

And why are Spanish soldiers who do not expose their chests to the weapons of the enemy in combat later heaped with various rewards for their unmatched bravery?  Why are their uniforms decorated with ribbons and gold stars, when they only open their mouths to utter a foul curse and only raise their hands to strike a painful blow?  And why, above all, do the Tagalogs accord them any respect?

Where else, where else can this sort of thing be seen?....  But here we shall stop, put these desolate truths to one side and turn our thoughts to the best remedy.… “What on earth are you thinking? We shall achieve nothing. We have no unity”.  This will be your immediate answer, without letting me finish what I want to say.

 

You lament there is no unity, which suggests that you want unity.  But you are mistaken; but we shall be truly mistaken.  Do you believe that words are enough, that an aspiration is enough?  If you just say you will move forward; if you just have the desire to move forward, does it mean you actually will move forward?  Does it mean that you actually will reach your destination?  Deeds, deeds and deeds!  If you do not have the courage to act, the unity of which you speak is perhaps a lie that conceals your cowardliness; the unity that you desire is a dream that belies your weak resolve.

What are you waiting for?  Are you waiting for them to take pity on you, and decide compassionately to grant you your rights?  Are you waiting for them to do this, they who live because you die, they who prosper because you live in poverty; they who are masters because you are slaves?  How long will it still be, Tagalogs, before the true source of your oppression is recognised?  When will you stop waiting for compassion from them, especially since their lives are always delightful and prosperous, when they have nothing to worry about and have everything at their disposal  – their force of arms, their deceit, our own compatriots and the wealth they have seized from us.  And as a result of our ignorance and blind hope in their honest character we are squeezed and suffocated, and they will only let go when they have extracted the last drop of juice from the bones of our corpses.

 

Forward, Tagalogs, awake and unite in action!  Each one should care for all; and all should care for each.  You are all true brothers; one is the blood that runs through your veins; one the country of your birth; one the sun under which you opened your eyes and which gave warmth to your body; one your grief and humiliation.  Why not, therefore, unite your resolve and thoughts in order also to make one your strength, so that nobody will dare to insult and trample on your sacred rights?

Forward, my country; awake and go forward!  Your voice, for so long mute, should now speak; your ears, for so long deaf, should now listen, and

 

“The power is yours to act and vanquish the sword of hate”. 

Too many afflictions already!  No more suffering!  No more cruelty!  Only women and babies would bear these things; men who have integrity and honour will fight and die…!  You, Tagalogs, mobilise, fight and learn how to die!

J. Aging

 

23.10.95