|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Emilio Jacinto “¡¡¡
Gomez, Burgos, Zamora !!!”, April 30, 1896 Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.9.1. |
||
|
Introduction The day that Gomez, Gomez, Jacinto prefaces his piece with a stanza from the famous poem Florante
at Laura by Francisco Baltazar (Balagtas), a metrical romance that tells
in “mellifluous and highly allegorical verse” the story of a knight and a
princess in the medieval Beneath the text, Jacinto has written “Year
1 – Issue 2”, which almost certainly means he intended to publish the piece
in the second issue of Kalayaan, the Katipunan paper. Pio Valenzuela recalls in his memoirs that
Jacinto wrote and edited this issue single-handedly, and planned to produce
2,000 copies – double the print run of the first issue, which had come off
the presses in March 1896. The
production process was bedevilled, however, by a continuing shortage of type
and by acute fears that the press would be discovered. Toward the end of June 1896 the press was
moved out of Valenzuela’s house at 35 Lavezares, San Nicolas, to another house on the same
street where his townmates Faustino Duque and Ulpiano Fernandez watched over
it, and when the Katipunan was exposed in mid-August it was moved again, to
the house of Alejandro Santiago a block north, at 6 Clavel. Soon afterwards, Duque subsequently
related, he and Fernandez received a tip-off that the Spanish dragnet was
closing in, and “without losing a single minute, (we) destroyed the press,
the tools, the types and the moulds.
We also burned the papers.”[3] Still lacking its eighth and final page,
the second issue of Kalayaan went up in flames, and the pieces Jacinto
had written never appeared. |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
¡¡¡ Gomez, Burgos, Zamora
!!! At ang balang
bibig na binubukalan ng sabing magaling
at katutuhanan agad binibiyak at
sinisikangan ng kalis ng lalung
dustang kamatayan F. Balagtas ¡Gomez, Burgos,
Zamora ! ¡Mga kababayang
inihayin ng kasukaban sa tamparasang sungit ng mga mangyayaring lumulupig sa
ating Bayan! ¡Tatlong
maningning na ilaw na pinatay ng makamandag na hihip ng sama! ¡Ang kanilang
buhay, ang mahalaga nilang buhay ay nilagot sa kalupit-lupit na bibitayan
nang ikalabing anim ng Febrero [4]
ng taung isang libo, walong dan, pitong puo’t dalawa! ¡Kailan ma’y di
napapanood ng langit ang gayong kalaking kataksilang linsil! ¡Gawang di
lilimutin magpahangang kailan man ng bayang tagalog! ¡Araw na napakarawal at kalagim-lagim! Buhat sa araw na
yaun, ang kanilang mga pusung bukal ng sagana’t wagas na pagibig sa kanilang
mga kalulu’t kapatid, ay hindi na tumitibok; ang kanilang kaloobang
karurukang mataas ng mga banal na nasa ay hindi na nagpipita; ang kanilang
mga bibig ay hindi na nangungusap, hindi na tumututol sa pagsasangalang ng
Katuiran at ng kagalingang lahat...
Ang kapusungan at ang lilong galit ng mga palamara ay nagdami’t hukom,
at sila’y kinitlan ng hininga nang walang makawangis na katampalasanan. Nguni’t, ¡ sa aba
nagtatayu ng kapangyarihang hawak sa lusak ng kasamaan! ¡ sa aba ng pangahas na naghahapay ng
Katuiran sa ngalan ng Katuiran, ng uslak na nagwawalat ng mga dibdib na mahal
sa ngalan ng kamahalan! ¡sa aba
nila! Sapagka’t sa kabagsikang malabis
ng ginamit na poot, ang bakal na pumatay sa tatlong ginawang sadlakan ng
hamak nilang higanti, ay tumagus at nagbukas pa mandin ng isang maluang at
malalim na sugat sa pusung kanilang mga kababayan. Dalawang puo’t
apat na taun na ang nakararaus, buhat nang mangyari itong di matingkalang
kaliluhan, at ang mahapding sugat ay di pa naglalangip, at hanga ngayo’y
dumudugo...dumudugo ng walang patid... ¡Gomez, Burgos,
Zamora! Kapurihang walang katapusan
ang handog ng inyong mga kababayan sa malinis ninyong mga pangalang iniirog! ¡Mapalad na buhay,
yaung nagiiwan karakarakang maamis [?] ng isang butihing binhi sa kalooban ng
kaniyang bayan, upang magdamdam ang mga alipin at matutuhan nilang ibangun
ang dangal ng kanilang katauhan na tuntungan ng kapalaluan ng sukabang
panginoon! Ang inyong alaala
ay kalakip ng lahat ng makapagbibigay buhay sa Bayang tinubuan. Sapagka’t, kung sa gunita’y nahaharap ang
inyong dustang pagkamatay, ang lalung tamad at pikit na nagiisip ay
nagbubulay-bulay, at sa naliliming na mga karamaang naghahari’t
nakapangyayari, nililimot ng tapat na pusu ang sariling katiwasayan at
naaakay lumingon at lumingap sa kalagayang kaaba-aba’t kahambal-hambal na
kinasapitan ng lahing tagalog. Kung tinatanghal
sa gunamgunam ng mata ng panasudim ang inyong kahabag-habag na anyo, ang mga
liig ninyong supil ng panakal na bakal, ang ulong naghingayngay ng malamig
ninyong bangkay, sa nagsisikip na dibdib ng inyong mga kapatid ay sumisilakbo
ang ningas ng poot, naaalaala nila ang lubhang pagkaayop at pagkailing na
lubha ng kanilang kapurihan; naaalaala nila na ang kanilang pinagkalooban ng
kanilang kalayaan at mga banal na matuid, ang hinahandugang lagi ng pagud,
yaman, buhay at sampung karangalan, ay siyang ganid na halimaw na sumisilo
tuina mahalagang buhay ng mga lalaking [one word illegible] na sa kanila’y
nagtatangol; naaalaala’t nakikilala nila na ang mga kapusungang [?], ito’y
nangyayari dahil sa sila’y kulang ng pagdaramdam at pagkakaisa, puno’t umba
[?] ng kanilang kahinaan; naaalaala’t nakikilala nila na wala nang iba pang
dapat pagkatiwalaang makapagbabangun ng kanilang Katuiran, kung di ang
sariling dahas ng kanilang mga kamay at ang matapang na tibay ng kanilang
loob. At sa di na makayang batahing
mga kaapihan, ang sa isip na mata’y itinititig sa ibang kabuhayan sa pagasang
sakdal, na darating at darating ang bagong maligaya’t marilag na kaarawan. Ang mga buhay ni
Gomez, ni Burgos at ni Zamora ay nautas, datapua’t ang mga katutuhanang
pinangugulan ng mga buhay na iyan ay hindi namamatay, hindi nawawala. At kung di lumalaganap ng lubos na lubos,
at di pa kumakalat sa lahat ng kaisipan, ay dahil sa nangababalut sa gipong
kalawang ng masasamang gawi at hamak na pagsasarili; dahil sa nauulapan pa ng
masangsang na aso ng mga pauuob [?] ng marayang simbahan. Datapua’t ang
nangyaring kakila-kilabot na sinisimulaan sa bibitayan ng Bagumbayan ay hindi
pa natatapus.... Si Gomez, si
Burgos at si Zamora ay natutong mamatay dahil sa kanilang mga kababayan at
dahil sa lupang tinubuan. Ang kanilang
mga kababayan kaya nama’y ¿hindi matututong mamatay dahil sa lupang tinubuan
at dahil sa kanila? Tanung itong may
kahirapan sagutin; datapua’t ang nangyaring kakila-kilabot ay hindi pa
natatapus... Dimas Ilaw Maynila 30 abril de
1896 Taung 1
– Bilang 2 |
|
|
|
|
|
|
Notes
[1] Bienvenido Lumbera, “The Nationalist Literary
Tradition” in Elmer A. Ordonez, ed. Nationalist
Literature: a centennial forum (Manila: University of the Philippines Press
and PANULAT/ Philippine Writers Academy, 1996), pp.2-3.
[2] Francisco Baltazar (Balagtas), “Pinagdaanang buhay
ni Florante at Laura sa cahariang
[3] “The Memoirs of Pio Valenzuela” [c.1914] translated
from the Tagalog by Luis Serrano, reproduced as Appendix A in The Minutes of the Katipunan (Manila:
National Heroes Commission, 1964), pp.107-9;
Gregorio F Zaide, History of the Katipunan (Manila: Loyal Press,
1939), pp.49-51.
[4] Historians now agree that the executions
took place on February 17. Jacinto may
well have taken the date of February 16 from the editorial “16 de Febrero de
1872”, written to mark the twentieth anniversary of the executions in La
Solidaridad, the paper edited by Marcelo H. del Pilar in Madrid, in its
issue dated February 15, 1892. La
Solidaridad in turn inherited the date of the 16th from a report by Edmund
Plauchut that it reprinted in the same issue immediately following the editorial. Plauchut’s report, first published in the
Paris-based Revue de deux mondes in 1877, suggests in one passage that