|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
The Supreme Assembly Record
of meeting held on November 30 and December 1, 1895 Source: Archivo General Militar de
Madrid: Caja 5677, leg.1.41 bis |
||
|
Introduction Brotherhood, discipline and internal
unity are always extolled within revolutionary organisations, but rarely
maintained. By November 1895 Bonifacio and
Jacinto had respectively been supreme president and supreme fiscal of the
Katipunan for almost a year. The
society, they were keenly aware, had not made great advances since its
foundation in 1892. Its active
membership could at best be counted at around 300, and it had not yet
expanded beyond This document shows the
determination of Bonifacio and Jacinto to invigorate the society, and to root
out the malcontents, the miscreants and the timid. To give collective sanction and legitimacy
to this catharsis, they summoned the KKK’s leading activists to meet in In the course of the proceedings,
the gathering was formalised as the first meeting of the Kataastaasang
Kapisanan (Supreme Assembly), which henceforth became the society’s paramount
decision-making body. Theoretically,
it comprised the members of the Supreme Council and the section presidents;
in practice the presidents were often accompanied by other office-holders
from their sections. In total, this record of the meeting
in In 1894, Remigio and
Manalac had headed two of the first four Sangunian Bayan, or popular
councils, to be established by the Katipunan – S.B. Laong Laan in the
district of The At the instigation of Jacinto, the Assembly
agreed that the expulsions need not be final and irrevocable. At least some of those who were
“separated”, it was hoped, would acknowledge the errors of their ways and apply
for readmission. Most likely this hope
was realised only in a very few instances, and not one of the most prominent
expellees is known to have rejoined the Katipunan as an organisation. But this did not necessarily mean that
their patriotism had waned, or that they would not fight for freedom when the
fateful moment came. The former
members of S.B. Laong Laan who established the breakaway Binhing Payapa, most
notably, assigned two of their leaders – Tomas Remigio and Lorenzo Alonso –
to rendezvous with the Katipuneros who gathered in Balintawak in August
1896. Bonifacio welcomed their
support, and reportedly assigned Remigio to “take charge of the revolutionary
forces” in Emilio Jacinto acted as secretary to
the Assembly and wrote the record of the meeting that is transcribed
below. Under normal circumstances,
these tasks would have been undertaken by the actual supreme secretary – Jose
Turiano Santiago – but he arrived late and left early, evidently angered by
what was happening. As was customary in the KKK at this
time, Jacinto used small crosses rather than dots to signify an
abbreviation. This usage has been
copied below in the transcription of the heading, but not throughout. The orthography is not consistent
throughout, and it may be noted that Jacinto even rendered his own alias in
two ways – in some places as “Pinkian” and in others as “Pingkian”. The English text beneath the transcription is a paraphrase of
the Tagalog, not a translation. The paragraph markers – (a),
(b) etc. - do not appear in the original, and have been inserted simply to
facilitate comparison between the Tagalog text and the English paraphrase. |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
K x K x. K x. N x. M x. A x. N x. B x. Kataastaasang Kap x. Sa ngalan ng Bayang tinubuan at ng K.K.K. ng mga A. N. B., ay nagpulung
ang Kataastaasang Kapisanan, sa ikatlong puong araw ng buan ng Noviembre ng
taong isang libo, walong dan, siam na puo’t lima; pagpupulong na minabuti
nitong K.S. Sa ikasampung palu sa
tangsu ng bakal ng umaga ay binuksan ang Kagalanggalang na Kar., na
nangakaharap at dumalo ang mga kap. na Halimaw at Tagaisok, pangulo at
kalihim ng S.B. “Katagalugan”; Silanganan at Talibong, p. at tagausig ng S.B.
“Dapitan”; Paku at Tambuli p. at kal. ng By. “Alapaap”; Maypagasa, Maniangat
at Pingkian, p., tag. at t. ng K.S.; Bulalakaw p. ng By. “Dimasalang”;
Matapang p. ng By. “Silanganan”;
Magiliwin, Sampalukan, Kalumpang at Pagatpat, p., kal., t. at tag. ng By.
“Dalisayan”; Mapilit at Laot, p. at tag. ng By. “Dimahipo”; Labong p. ng By.
“Kabuhayan”; ang mga kap. na Dimasayaran at Silang at iba pa. Ang pagpupulong na ito ay ginawa sa bahay
ng kap. na Liwayway sa bayan ng Kalookan.
Nagkaroon ng ambagang manalapi dahil sa pagkaing ginamit. Ang mga kapisan ng By. “Dalisayan”,
karakaraka’y nagalay ng isang malaking paglilingkod na halihaliling tumaliba
habang ginagawa ang pagpupulong. Sapagkat di sumipot ang
kap. na Tiktik kal. ng K.S., lumagay at gumanap ang kaniyang katungkulan ng
kap. na Pingkian. (a) Karakarakang naayos ang Kar., ipinagbigay
alam ng K.P. ang lahat na nagawa ng mga pinuno sa K.S. sa kapanahunang
hinawakan nila ang kanilang mga katungkulan. (b) Tuloy ipinahayag ang bilangan ng
salapi. Datapua’t sa di pangyayaring
masiyasat ng lahat sa sandaling yaun lamang, ay nagkaisa ang kapulungan na
maghalal ng apat na kapisan ng K.K., na siyang magsisiyasat at magbibigay
alam sa lahat ng pulutong ng kinalabasan ng kanilang pagsisiyasat. Lahat man ng nangakaharap ay umaayung
walang daya ang bilangang ito, minarapat ang paghahalal na yaun, dahil sa mga
alingawngaw at paglait ng ginagawa ng ilang mga K. sa K. S. sa wika’y
ninanakaw ang salapi. Ang apat na
inihalal ay ang kap. na Halimaw, ang kap. na Silanganan, ang kap. na Tagaisok
at ang kap. na Ilagan, p. ng By. “Mahiganti” itong huli. (c) Ang kap. na Talibong ay nagsalita ng mga
salang ginawa at ginagawa ng k. Marahas (T. Reyes), na sinisiraang lubha ang
K.S. na ninanakaw ang salapi, at mga salitang lubos ang kapangitan na
naringig sa kaniya ng naturang kap. na Talibong. Marami sa nangkaharap ang nagpatutuhanan ng
mga gawang ito at sampu ng isang kawalanghiang ginawa sa labas na nagnakaw ng
isang cheque, gawang ikinapasuk niya sa bilangguan ng Bilibid. Sa pagkakita nitong mga kasamaan ng
Marahas, pinagkaisahan siyang ilayu, at ipagbigay alam sa boong Kat. ang
pagkalayung ito, at ang kadahilanan, sampu ng paglalagay ng kaniyang larawang
may sulat na taksil sa ibaba, sa kar. ng lahat ng pagpupulong ng lahat
ng pulutong. (d) Sa karapatang magkaroon ang lahat ng
nagpupulong ng isang bagay na pagkayarian kung dumating ang dakip, ay
ipinagsanguni ng k.p. ang bagay na ito.
Ang pinagkaisahan ay itong sumusunod: kung dumating ang dakip at
matutup ang kapulungan ay ikakatuiran ng lahat na nagsasaya lamang dahil sa
kaarawan ng kapanganakan ng kap. na Maypagasa, at dahil pa sa pagbibinyag ng
anak ng isang kap. na kaapit bahay.
Datapua’t kung wala nang sukat na malusutang katuiran, at aayaw din
maniwala ang nagsisidakip, lahat ay magsisilaban kahit mangamatay at
tatarakang una ang sino mang tumagbu, tuloy ililigtas o susunugin ang mga
kalatas. (e) Sa tanung ng k.p. sa kap. na Milan, p. ng
Hkan. ng Nagtaha, tungkol sa kalagayan at mga inaasal ng mga kapisan sa
naturang Hkan., isinagut niya na isang nagngangalang Guillermo Sandiego,
kumpare ng k. si Eleuterio de Guzman (Lintik), ay naguugali at gumagamit ng
sama nito. Ipinagbigay alam din ang
gawa ng isang tinatawag na Eulogio Rodriguez na naningil at di napakita. Ang mga kap. na napagsingilan ay ang kap.
na Milan..... Gayon din ang sinabi
tungkol sa kalagayan ng kanilang Hkan., na walang kumilos na sino pa man
liban siya at ang kap. na ... (C.G).
Sa pagkakita at ng ibang mga patutuhanan sa lahat ng sinabi ng kap. na
Milan, ay pinagkayariang itiwalag ang Sandiego at ang Rodriguez, tuloy
ipagbibigay alam sa boong Kat. ng pagkatitiwalag na ito. Tungkol sa mga k. hindi kumilos at wari’y
nakakalimot ng kanilang tungkol, ay padadalhan ng isang kasulatan at ng
kanilang maisagut ang talagang nasa at nasasakalooban. Ito’y ang mga kap. na ... ............. ..;
kung sila’y talagang may ibig tumupad ng ipinanumpa ay isasanib sila sa By.
“Makabuhay”, at kung hindi ay ititiwalag din. (f) Pinagkayarian na ang sino mang k.,
magpahayag at magpakilala ng mga bagay nauukol sa Kat., sa sino mang tiwalag
at ititiwalag, na siya’y ariin pang kap. sa Kat., sukat nang patutuhanan ang
gawang ito ng tatlong kap., ay ititiwalag din ng K.S. (g) Ipinagsabi ng k.p. ang mga nakawan at mga
kaliluhang lahat ng mga k. si Doroteo Dominguez (Abang), Tomas Remigio
(Toremige), Pedro Trinidad (Maliksi), Manuel Ureta (Mahusay), Lorenzo Alonso
(....) Teodorico Guerrero (Kislat), Julian Nepomuceno (Digma), Emiliano
Morales (Lagasa), Teodoro Gonzalez (Lathala), Gregorio del Rosario (....),
Marcelo de la Rosa (....) Luis Velazco (Kulog), Mariano Inocencio
(Ating-ating), Andres Flores (Matigas), Rosendo Domingo (Lingab). Sapagkat kilala ng lahat ang sama ng mga k.
ito, sila’y pinarusahan ng parusang ibinigay sa Telesforo Reyes (Marahas),
liban ang Lathala, G. Del Rosario, M. De la Rosa, Ating-ating at Lingab na
ititiwalag lamang. (h) Ipinagsaysay ng k.p. ang muling pagkatatayu
ng S.B. “Laong-Laan” at ng By. “Dimasalang” na nagasira dahil sa mga
kataksilang ginawa ng mga k. katatapus na parusahan. Ipinagsabi din ang muling pagkasira ng By.
“Dimasalang”, dahil sa mga gawa ng mga k. si Restituto Javier at Doroteo
Lopez (Mapangahas at Silang), p. ang nauuna at kal. ang ikalawa ng By. na
ito. Siya namang pagdating ng
k. kal., na mga ikalawang palu na sa dapit hapun, at pagkaalam ng
pinaguusapan ay nagsulit na ang kaniyang naaalaman tungkol sa By.
“Dimasalang”, na pinangunguluhan ng kapatid niya sa dugo, ay ito. Mula daw yatang lumabas ang policia
secreta, ay nangatakut ang mga kapisan dito, liban sa p. at kal.; kaya’t
makaitlo kung makaapat na nagpadalo sa pulung ang p. at kal. ay walang isa
mang sumipot. Dahil dito’y tumugon ang
k. p. na sa mga araw na yaon ay dumating sa kaniya at sa kap. na Pingkian ang
sumbong ng kap. na Dimasayaran, Kalipulako, at iba pang mga kapisan sa By.
“Dimasalang”, na ang nangyari ay ganito:
Ang Mapangahas at Silang ay nagpupulong, at dito’y sinabi nila ang mga
limbag na inutang ng p. sa mga pinuno ng K.S., at dito na nagsalita ang Silang
na kinakalakal at niwawalanghia ng K.S. ang boong Kat., na di dapat
pagbayaran, at mga iba pang panungayaw na salita; at kung gayon ang
mangyayari’y mabuting sila’y humiwalay.
Ang Mapangahas ay di umaayon sa una at sa huli’y umayon na sa mga
paratang ng Silang. Pagkaringig nito
ang k. p. ay nagusisa ng dapat, at nakilala niyang nagkakasapakatan ang
dalawa sa kagagawang ito, sapagkat araw gabi halus nagkakasama’t
nagsasalitaan, ang Mapangahas ang siyang kumuha ng mga limbag, at siya lamang
ang dumadalo sa pulong, sa makatuid siya lamang ang hindi nagdamdam. Tuloy ipinagbigay alam ng k.p. na pagkaalam
niya nito ay kaniyang pinahintulutan ang mga kapisan sa By. “Dimasalang” na
maghalal ng ibang p. at kal. at itiwalag muna ang mga nasabi na. Dito’y sumagut ang k. kal. na ang
Mapangahas ay walang kasalanan kung di ang Silang lamang na nagiisa. Sapagkat ang mga kap. na Maypagasa at
Pingkian ay siyang pinararatangan ng pangangalakal at ang kap. na Tiktik ay
kapatid ng Mapangahas, ang tatlong ito’y nagsilabas sa kar., at pinagkayarian
na sa nangatira ay maghahalal muna ng isang p., at saka hahatulan ang nauukol
sa bagay na ito. Ang kap. na Tiktik ay
umui ng patuluyan. Pagbabalik ng p. at
ng t. sa kanikanilang upuan, ay pinahayagan sila na ang naging kahatulan ay
ang matiwalag ang Mapangahas at Silang, tuloy ipagbibigay alam sa boong Kat.
ng kanilang mga gawa. (i) Pinagusapan ang By. “Ilog Pasig”, at dahil
sa kilala ng lahat ang mga kasamaan ng marami sa By. na ito, hinatulang
itiwalag at sulatan ng taksil ang larawan ng mga k. si Marcelo Santos
(Talim), Faustino Manalac (Mayon), Juan Guerrero (Kalipulako), Juan
Florentino (...) Alejo Garcia (Mainit), Antonio Arocha (Dorado), Miguel
Sancho (Matapang), Antonio Nadal (Mercurio), Eugenio Reyes (Matigasan) at Felipe
Reyes (Kainta), liban ang Matapang, Katigasan at Kainta na ititiwalag lamang. Dito’y nakasama ang
Roman Basa (Liwanag). Lahat ng ito
katulad din sa mga sinusundang hinatulan.
Pinagkaisahan din na ang mga kapisang hindi nagsisikilos sa By. na ito
ay padadalhan ng isang kasulatan kamukha ng sa mga kapisan ng Hkan. ng
Nagtaha. (j) Sa tanung na ginawa ng k.p., tungkol sa
kalagayan ng S.B. “Dapitan” sa p. nito, ay sumagut na dito’y ang gumagamit ng
lubhang pagkukulang ay ang tag. na kap. na Kalasag (Teodoro Vedua); sapagkat
ang k. ito ay tutoong naninibulos sa pangangalunya at paglalaru ng matagal na
panahun, bukod pa sa di halus nakikialam sa mga bagay na nauukol sa Kat. at
lalung lalu na sa kaniyang mga tungkol.
Sa pagkarigig nito, at sa pagkaalam ng marami, pati ng pagkakasakit ng
k. ito buhat sa kaniyang buhalhal na asal, ay hinatulan ding itiwalag at
ilathala sa boong Kat. Gayon din ang
naging kahatulan sa Narciso Gonzalez, na magmula ng malaung panahung siya’y
na pasuk hindi napakikita man lamang baga ma’t ulit ulit siyang ipinatawag. Hinatulan din ng
parusang ito, ang mga kapisang si Justo Zalazar, Andres Perez, Juan de la
Cruz (Karim), Arcadio de Jesus at Pantaleon de la Cruz, ng By. Dalisayan. (k) Gayon din ang kap. na Burgos ng By. Maluningning,
at ang mga kapisan ng By. na ito, na di nagsisikilos ay padadalhan ng isang
kasulatang kanilang sasagutin, at sa sagut na ito ay magbubuhat ang sila’y
matiwalag o hindi. Tungkol sa kapisan
ditong si Marcelo Badel, na napasuk sa pagka policia secreta, at di
umuusuk man sa mga k. tungkol sa pagkapasuk niyang ito, ay ititiwalag, at
titiktikan ng kap. na Subiang at Igmidio Tolentino; at kung makilalang
masamang talaga ay papatain. (l) Binasa ang isang sumbong na kinalalaman ng
mga mabibigat at maraming ginawang sala ng Eleuterio de Guzman (Lintik), at
sa pagkakilala ng manga lilong tangka nito ng kalahatan siya’y hinatulan ng
isang parusang itinala sa isang kalatas na pinagtalaan naman ng lahat ng
naroon ng kani-kanilang pangalang tunay. (m) Sapagka’t ang mga kasalanang ginawa sa mga
kap. na Pingkian at Maypagasa at iba pa, ng Pedro Zabala (Pagpalain), ang
siyang hahatulan ang mga kap. na Maypagasa at Pinkian ay nagsilabas sa kar.,
kamukha ng paghatul sa Mapangahas at Silang.
Niyang nagbalik sa dating upuan ang k.p. at k.t., ay ipinakilala sa
kanila na ang naging hatul at parusa ay ang itiwalag ang Pagpalain. Gayon din ang naging kaparusahan ng Benito
Jose sa By. “Kabuhayan” at ng Eustaquio Stos (Urani), Crispulo Chacon at
Modesto Quitain sa By. “Kabuhayan”. (n) Sa pagkatapus nito ay ipinagsanguni ng kap.
na Pinkian ang isang minarapat na akala; na ang sino may k. tinawalag, kung
ibig na mabalik ay ipaiilalim sa tatlong buang subok ang paninibago ng
kaniyang asal; bukod pa sa rito’y magbabayad ng piso ukol sa kaniyang
pagkabalik, at pagbabayaran din ang nauukol sa kapanahunang siya’y
natitiwalag. (o) Ipinagsanguni din naman sa kalahatan ang
karapatang magtayu ng isang Sanguning Lihim.
Kapagkatapus ng isang mahaba at ulit ulit na palilining, pinagkaisahan
na ang Sanguniang Lihim na ito ay magkakaroon ng kapangyarihan gumawa ng
akalaing nararapat sa ikatutupad ng kanilang katungkulang magtangol sa Kat.
laban sa kangino pa mang makagugulo’t makawawasak dito; ang mga pangunang
katungkulan ng Sangunian Lihim ay ang umusig at laging tumiktik sa loob at
labas ng Kat., at ang umisip at gumamit ng lalung matalinong mga paraan sa
ikawawala ng masasamang supling.
Tatlong k. ang siyang mangangatawan ng S. L., na di makikilala ng sino
pa man, liban sa isa. Ang isang ito ay
siyang pipili ng tatlong kasanguning lihim, at siya ding makikipagalain sa
kanila’t sa Kat. Siya ang magdadala ng
mga kasu[la]tang pabigay ng S.L., sa sino mang k. at pulutong, at siya din
ang magbibigay sa S.L. ng mga kasulatang padala sa kaniya. Binigian din ng Kataastasang Kapisanan, ang
S.L. ng kapangyarihang magutos sa sino may k. at susunod ito sa pilitan,
liban lamang kung ang ipinaguutos ay nalalaban sa mga aral at layon ng Kat. Ang pagkakikilanlan ng mga kasulatan ng
S.L. ay ang isang tatak na kakikitaan ng isang mata, isang bararaw at isang
tagayan (copa) na nililibaran ng ahas; lahat nito’y puti at maguguhit sa
itim. Sa pagkatapus nito’y
pinagkayarian na, ang paghahalal ng k. pilili ng magsisipangatawan ng S.L. at
ang inihalal ay ang kap. na Pingkian. (p) Ipinakilala ng p. ang pagkakailangang
halinhan ang mga hudiatan, dahil sa makapal na nangatiwalag at napagkayarian
ng lahat ng itong mga sumusunod: **kung may nakaharap na dik. hahawakan ng
nakatatalastas ang kaniyang tainga, na ang kahuluga’y may makariringig, at
ang iba sa bibig ang hawak, tanda na sila’y di magsasalita. **Kung sasaayus ay ilalagay ang kanang
kamay sa balikat na kaliwa. **Kung
nagagapus ay isusuntok ang mga kamay, liban ang kalingkingan na iuunat – Sa pagkakamayan ay ihahagut ang hintuturo
sa dakong ibaba ng galangalangan. **Sa
pagbabatian o pagpupugayan ay alilinin ang kalu (sombrero) at ilalagay ng
patihaya sa tapat ng pusu. **Sa mga
tanungan ay ito “¿ Anong araw
kahapun? (sagut) – Kapayapaan. ¿ Anong araw ngayon? (sagut) Kaalipinan - ¿ Anong araw bukas? (sagut) Kalayaan. – Ang mga lihim na
wika ay “Na-La Anak-Bayan”. – Ang lahat ng mga dating hudiatan ay wala nang
ano mang kagamitan. Tuloy na
pinagkayarian din na hindi ituturo ang hudiatang mga bago sa kanino man
tiwalag, at ang dito’y magkasala lalapatan ng isang matinding parusa. (q) Binasa ng kap. na Pingkian ang pagkatatayu
at patungutang susundin ng “Basahan ng Bayan”, at ito’y minarapat ng
kapulungan, liban ang ika-35 pangkat na binago. Sapagkat sa patungutang ito na kinatha ng
tatlong magiingat at apat na uusisa, ito’y inihalal: sa tatlong magiingat
lumabas na Tagapamahala ang kap. na Silang, Tagapangasiwa ang kap. na Pinkian
at Tagaingat yaman ang kap. na Cipriano Pacheco. Sa magsisipagusisa ay lumabas ang mga kap.
na Silanganan, Mapilit, Halimaw at Tagaisok, p. itong huli. Sa bagay na ito at sa pagkakailangang
magkaroon ang basahang ito na kaunting puhunan, ay pinagkayarian din na
hihingan ng sikapat ang lahat at bawat isang k., kasabay ang paghingi ng
kani-kanilang mga libro. (r) Ipinagsabi ng kap. na Pinkian ang
pagkatatayu ng K.K.K. ng mga A.N.B., na nakasulat sa Patnugutang kinatha niya
at ng kap. na Maypagasa, at pinagkaisahang minarapat ng kagalanggalang na
kapulungan. Sa pagkatatayung ito ang
mga pangunang dapat na malaman ay ang sumusunod: na sa Kat. ang una at lubos
na kapangyarihang ay hahawakan ng Kataastaasang Kapisanan; ang dito’y
mangaling na utos ay pilit na susundin at ang hindi pagsunod ay malalagay na
isang kataksilan sa tunay na Kat., sapagkat ang K.K. ay kinakatawan ng lahat
ng mga p. sa lahat ng pulutong, na sila ang pinagsalinan ng kanilang
pinangunguluhan ng taglay na kapangyarihan. (s) Pinagkayarian ding padalhan ang S.B.
“Laon-Laan” at ang By. “Tanglaw” ng isang kasulatang sasagutin nila; at sa
sagut na ibigay ay magbubuhat ang pagkaayos o pagkatiwalag ng naturang S.B.
at By. (t) Sa palagay na kap. na Pingkian ang
pinagkaisahan na ang tatlong dating kabunyian ay maui lamang sa dalawa, kaw. at ak. Pinagkayarian din na sa bawat kabunyian ay
magkakaroon ng tatlong buang subuk, panahung binibilang mula sa pagkapasuk o
pagkaangat; kung sa loob ng tatlong buang subok ay hindi nakitaan ang baguhan
ng ano mang ugaling masama, at siya’y tumupad sa lahat niyang tungkol at
makaraus sa mga subuk sa gawa, na sa kaniya’y ipinagutos, kung ito’y maganap
sa loob ng tatlong buan, at saka lamang tuturuan ng mga hudiatan at
mangyayaring makialam sa mga pagpupulong at iba pang nauukol sa mga palakad
ng Kat. Datapua’t kung ang baguhang
kawal at ang akibat ay maihalal sa isang katungkulang kinakailanganan ng
kaw., yaun ay inangat ng wala ng tatlong buang subuk. (u) Sa pagkakikita at pagkalam ng Kapulungan na
ang kap. na Tiktik kal. ng K.S. ay hindi tumutupad ng ano man sa hinahawakang
katungkulan mula ng maihalal, bukod pa sa mga ibang kakulangan siya’y
pinagkayariang ilayu at huag turuan ng mga hudiatan hangang sa maiba ang
kaniyang kaasalan. (v) Pinagkayarian din na ang K.S. ay magbibigay
ng Katunayan sa mga pulutong na magalingin, ayon sa pagkaayos at
tibay. (w) Ang Patnugutan ng K.K.K. ng mga A.N.B. na
kinatha ng kap. na Maypagasa at Pingkian ay ipinalagay sa pasia ng lahat, at
napagkayarian na yau’y siyasatin at paghiningin ng anim na kapisan ng K.K. sa
ngalan nito at ang pagkayarian ng anim na ito ay siya ang mangyayari. Sa paghahalal ay nagsilabas ang mga kap. na
Bulalakaw, Silang, Maniangat, Tagaisok, Halimaw at Dimasayaran, p. itong huli. (x) Sa lubhang kalaunan na nitong pagpupulong
ay pinagkayariang wakasan, at inilibot ang suput ng saklolo na nagsalin ng
siam na sikapat at labingdalawang kualta, na karagdag ang sikapat labing
dalawang lumabis sa ambagan ng pagkain, ay ibinigay sa kap. na may bahay,
alang alang sa mga kapaguran at malaking kaabuluhan at ligalik. (y) Niwakasan itong pagpupulong sa ikawalong
palu ng tansu sa bakal ng umaga ng unang araw ng buang ng Diciembre ng taung
isang libo walong dan siam na puo’t lima. Maynila
ikaunang araw ng Diciembre taung 1895. Ang
K.P. Gnubnvnzn[7] Lumagay
na Kal. Ang K.T. Pnllkngll |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
English paraphrase K x K x. K x. N x. M x. A x. N x. B x. Supreme Assembly The Supreme Assembly
convened in the name of the native country and the Katipunan at 10 o’clock in
the morning of Saturday, November 30, 1895.
Among those present were: Alejandro Santiago and
Aguedo del Rosario, the president and secretary of S.B. Katagalugan; Francisco Carreon and
Hermenegildo Reyes, the president and fiscal of S.B. Dapitan; Estanislao de los
Santos and “Tambuli” [identity unknown], the president and secretary of By.
Alapaap; Andres Bonifacio,
Vicente Molina and Emilio Jacinto, the president, treasurer and fiscal of the
Supreme Council; Pantaleon Torres,
the president of By. Dimasalang; Juan Cruz, the
president of By. Silanganan; Ignacio Sanchez,
Cornelio Sanchez, Mateo Hernandez and “Pagatpat” [identity unknown], the
president, secretary, fiscal and treasurer of By. Dalisayan; Adriano Jesus and
Isabelo Reyes, the president and treasurer of By. Dimahipo; Lino Villanueva, the
president of of By. Kabuhayan; and Pio Valenzuela,
Balbino Florentino and others The meeting was held
in the house of Kap. “Liwayway” [identity unknown] in Caloocan. There was a collection towards the cost of
the food. Members of the KKK section
in Caloocan, By. Dalisayan, acted as look-outs throughout the proceedings. The secretary of the
KKK Supreme Council, Jose Turiano Santiago, was not present when the meeting
began, and so the fiscal, Emilio Jacinto, acted as secretary in his stead. (a) Once the meeting had come to order, the
supreme president, Andres Bonifacio, reported on the activities of the
members of the Supreme Council since they had assumed their present offices
[probably meaning since January 1895]. (b) The next issue discussed was the accounting
of the Katipunan’s funds. However,
because it was not possible to investigate all aspects of this question there
and then, the Supreme Assembly agreed to elect four of its members to
investigate the issue, and to charge them with reporting back to all the
KKK’s sections on the outcome of their investigation. Everybody present was agreed that there
should be no deceit in the accounting, because the allegations that some
members of the Supreme Council had stolen from the Katipunan’s coffers were
causing much vilification and having serious repercussions. The four members elected were Alejandro
Santiago, Francisco Carreon, Aguedo del Rosario and Rafael Gutierrez, the
last-named being the president of By. Mahiganti. (c) Hermenegildo Reyes spoke about the past and
continuing misdeeds of Telesforo Reyes, who had caused great damage by making
allegations that were totally scurrilous, and by accusing members of the
Supreme Council of stealing the organisation’s funds. Many of those present knew about his
actions, especially what had come out about his theft of a cheque, a
shameless act for which he had been committed to Bilibid Prison. In view of these misdeeds, the Supreme
Assembly agreed that Telesforo Reyes should be expelled, that his expulsion
be made known to the whole Katipunan, and that his picture should be
displayed at every meeting of every section, with the word “traitor” written
beneath it. (d) The Assembly considered what action all
those present should take if the gathering was discovered by the
authorities. It was agreed that in the
first instance everyone should maintain that they had come together to
celebrate Bonifacio’s birthday [which indeed it was] and a child’s
baptism. If the authorities refused to
believe this explanation, the Assembly members should fight to the death
rather than surrender, but one of their number should seek to rescue any
incriminating documents and if necessary burn them. (e) Bonifacio asked Ponciano Herrera, the
president of the Nagtaha section, about the situation and the behaviour of
the members in that section.[8] Herrera replied that the person responsible for
the bad situation was Guillermo Sandiego, the compadre of Eleuterio de
Guzman. He reported also on the
actions of Eulogio Rodriguez, who had collected contributions and then
disappeared. The members from whom he
had taken money included Ponciano Herrera..... No one was active in the Nagtaha section
except Herrera himself and C.G. [identity unknown]. In this light, and having considered other
facts related by Herrera, the Assembly ruled that Sandiego and Rodriguez be
expelled from the Katipunan and that all members be informed
accordingly. The Assembly also agreed
that a letter should be sent to certain members of the Nagtaha section who
had become passive and neglectful of their duties, asking them to state their
true wishes and feelings. If they
replied that they still wanted to honour the obligations to which they had
sworn, they should be admitted to By. Makabuhay [the KKK section based in
Mandaluyong], but if they did not they too should be expelled. (f) The Assembly ruled that any member who
disclosed information about the Katipunan to expelled members should
themselves be expelled if the breach of secrecy was confirmed by three other
members. Such expulsions would be effected
by the Supreme Council. (g) Bonifacio spoke about the thievery and
treachery of Doroteo Dominguez, Tomas Remigio, Pedro Trinidad, Manuel Ureta,
Lorenzo Alonso, Teodorico Guerrero, Julian Nepomuceno, Emiliano Morales, Teodoro Gonzalez,
Gregorio del Rosario, Marcelo de la Rosa, Luis Velazco, Mariano Inocencio,
Andres Flores and Rosendo Domingo.
Because the misdeeds of these members were known to all, the Assembly
agreed that they should be punished in the same manner as Telesforo Reyes
[i.e. be expelled and be branded as traitors], except for Gregorio del
Rosario, Marcelo de la Rosa, Mariano Inocencio and Rosendo Domingo, who would
just be expelled. (h) Bonifacio related how S.B. Laong-Laan and
By. Dimasalang had been re-established following their disintegration, which
had been caused by the treachery of the members whose punishment had just
been discussed. He also related how
By. Dimasalang had then been fractured again as a result of the actions of
its president and secretary, Restituto Javier and Doroteo Lopez. Jose Turiano
Santiago, the secretary of the Supreme Council, then arrived at the
meeting. By this time it was around
two o’clock in the afternoon. He gave
an account of what he knew about By. Dimasalang, whose president – Restituto
Javier – was his own brother.[9] The members of the branch, he related, had
been scared by the activities of the secret police. The president and secretary – Javier and
Lopez – had summoned the members to meetings of the branch on three or four
occasions, but no one had turned up. Andres Bonifacio
responded to this by recalling that around that time Pio Valenzuela,
“Kalipulako” [identity unknown][10]
and other members of By. Dimasalang had complained to him and Emilio Jacinto
that Javier and Lopez had convened a meeting at which they had spoken about
the funds that the president [Javier] had loaned to the leaders of the
Supreme Council. Lopez had accused the
Supreme Council of shamelessly profiteering from the whole Katipunan, and had
said other hateful things. If this was
the situation, he had argued, By. Dimasalang should not send any more money
to the Supreme Council, and it would be better if they broke away from the
Katipunan. Restituto Javier had not
been in agreement at first, but had later supported the accusations of
Lopez. Upon hearing these reports,
Bonifacio had agreed that an investigation was necessary, and he had found
out about the connivance of Javier and Lopez, who were talking together
almost from dawn to dusk. Javier was
the one obtaining the donations, he was the only one attending the meetings,
and he was the only one who was not bothered.
Bonifacio had then informed the members of By. Dimasalang what he had
found out, and had said they should elect a new president and secretary and
that Javier and Lopez should be expelled.
To this, Jose Turiano
Santiago insisted that his brother, Javier, was guiltless, and that the
trouble had been caused by Lopez alone.
Because Bonifacio and
Jacinto were being accused of shady business, and because Turiano Santiago
was the brother of Javier, the three of them left the meeting room, and the
Assembly elected a president in order to preside over its deliberations on
this matter. Jose Turiano Santiago
returned to the temporary quarters for visitors. Bonifacio and Jacinto returned to their
seats in the meeting room, and they were informed that the Assembly had
decided that Javier and Lopez should be expelled, and that the whole
Katipunan should be told about their actions. (i) By. Ilog Pasig was discussed. Everyone knew about the transgressions
committed by many members of this branch, and so it was ruled that the
following should be expelled and their pictures displayed with the word
“traitor” written underneath: Marcelo Santos, Faustino Manalac, Juan Guerrero,
Juan Florentino, Alejo Garcia, Antonio Arocha, Miguel Sancho, Antonio Nadal,
Eugenio Reyes and Felipe Reyes, except Miguel Sancho, Eugenio Reyes and
Felipe Reyes, who would just be expelled.
Roman Basa was
together with them. The foregoing
judgments all apply in the same way.
It was also agreed that the members of By. Ilog Pasig who had become
inactive should be sent a letter like that sent to the members of the Nagtaha
section, asking them to state their true wishes and feelings. (j) In reply to a question from Bonifacio about
the situation in S.B. Dapitan, the president of this council, Francisco
Carreon, stated that the serious deficiencies in this section were the fault
of the treasurer, Teodoro Vedua, who was committing adultery and had been
playing around for a long time, aside from which he knew almost nothing about
what was happening in the Katipunan, and above all about his own
responsibilities. On hearing this,
which was known to many, and given the damage Vedua had caused by his disorderly
conduct, it was agreed that he should be expelled and the whole Katipunan
informed accordingly. The same
judgment was passed on Narciso Gonzalez, who had not attended any meetings
for a long time, despite being summoned on many occasions, and also on five
members of By. Dalisayan - Justo Zalazar, Andres Perez, Juan de la Cruz,
Arcadio de Jesus and Pantaleon de la Cruz.
(k) It was agreed that a letter should be sent
to Geronimo Cristobal and other inactive members of By. Maluningning, asking
them to state their intentions. Any
who did not give a positive response would be expelled. The member Marcelo Badel, who without
telling anybody had joined the secret police, was also to be expelled, but in
addition would be placed under surveillance by Jose Trinidad and Igmidio
Tolentino. If they discovered he was
doing anything really bad, he would be killed. | ||