|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Supreme Council Record
of meeting held on February 1, 1896, in Polo Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.20 |
||
|
Introduction On Saturday, February 1, 1896, Pio Valenzuela and Emilio Jacinto
traveled to Valenzuela’s hometown, Polo in the Transcribed below is Jacinto’s record of the meeting, at which it was
agreed to call the branch “Huaran” – “Exemplar” – and to elect “Patung”
(Braulio Flamenco) as its president; “Mabagsik” (Crispiniano Agustines) as
fiscal; “Mabangis” (possibly Faustino Duque) as secretary; and “Kamumo” as
collector. |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
|
|
|
|
K . K . K. N. M. A. N. B. Kataastaasang Sangunian (-
Pinagsulatan - ) Sa ngalan ng Bayang
tinubuan, at sa lalung kapurihan at kaayusan ng K.K.K. Ngayong ikauna ng
Febrero ng taung isang libo, walong dan, siam na puo’t anim, pinulong nitong
K.S. sa pamagitan ng K.T at K. Kal. ang mga kpon. sa bayan ng Pulo hukuman ng
Bulakan. Sa ikawalong daguk ng
bakal sa tansu ng gabi ay binuksan ang kar. at tuloy ipinahayag ng kap. na
Dimas Ayaran na siyang nangungulo, ang dahil ng pagpupulong na ito, na
sapagka’t dumating na sa kailangang kabilangan ang mga kpon. sa bayang ito,
ay nararapat na magtayu ng isang By. Sa bagay na ito’y
pinagkaisahang aalanan ng Huaran ang itinatayung By. Ginawa ang paghahalalal
ng mga pinuno at alagad ng By. na itinatayu at lumabas na p. ang kap. na
Patung, t. ang kap. na Mabagsik, kal. ang kap. na Mabangis at Maniningil ang
kap. na Kamumo. Pinapanumpa at
pinatangap ng kani-kanilang katungkulan ang mga kap. na ito, at saka
ipinahayag ng kap. na nagnungulo ng buhat sa araw na ito’y natatayu na sa
bayan ng Pulo ang By. Huaran. Sa kapahintulutan ng
K.T. ang K. Kal. ay nangaral at ipinakilala sa tanang nakaharap ang nauukol
na ganapin sa bawat katungkulan. Kapagkatapus manumpa ang
lahat na di isisiwalat ang lahat ng namasda’t napakingan, niwakasan itong
pagpupulong sa ikasampung daguk ng bakal sa tansu ng gabi. Pulo, ika unang araw ng
Febrero ng taung 1896. Lumagay
na P. Ang
K.T. Ang K. Kal. Pnllgknzll |
|
|
|
|
|
|