DOCUMENTS OF THE

 

Katipunan

HOME

 

The Supreme Council

Record of meeting held on January 5, 1896, in Mandaluyong

 

                                                  Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.85.

 

 

Introduction

 

On Sunday, January 5, 1896, seven members of the KKK Supreme Council (Andres Bonifacio, Pio Valenzuela, Emilio Jacinto, Hermenegildo Reyes, Balbino Florentino, Jose Trinidad and Pantaleon Torres) went from Manila to the nearby town of Mandaluyong.  At four o’clock in the afternoon, Bonifacio presided over the promotion of the KKK Balangay (By.) in the town – By. Makabuhay – to the status of a Sangunian Bayan (Sb., Popular Council). 

 

Elected as officers of the new Sb. Makabuhay were “Magiliw” (elsewhere “Magiliwin”, who was Rogelio Borja, a mechanic) as president; “Bituin” as secretary, “Bakal” as fiscal and “Dupil” as treasurer.  Four others were elected as kasanguni, or councillors.  All the remaining members of the former By. Makabuhay were then deemed to have moved to a new Balangay, By. Tala, and elections were duly held to fill its offices.  Elected as its president was “Gatdula” (Buenaventura Domingo, the teniente mayor of the town).

 

Emilio Jacinto’s record of the occasion, transcribed below, relates that after the elections had been held and oaths-of-office had been duly sworn, Bonifacio delivered an instructive address on the need for all members of the Katipunan, and especially those in positions of leadership, to act with diligence, intelligence and fortitude.    

 

 

 

 

K . K . K.

N. M. A. N. B.

Kataastaasang Sangunian

 

 

            Sa ngalan ng Bayang tinubuan at sa lalung kapurihan at ikalalaki ng kaayusa’t lakas ng K.K.K., itong K.S. sa pamagitan ng k.p., k.t. at k.kal. at ng mga kasanguning Talibong, Silang, Subiang at Bulalakaw, ay dumalo sa pulong na ginawa ng By. “Makabuhay” ng ikalima ng Enero ng taung umiiral, sa bayan ng Mandaluyong na siyang kinatatayuan ng naturang By.

 

            Sa ikaapat na palu ng bakal sa tansu ng hapun ay binuksan ang kar., na pinanguluhan ng kap. na Maypagasa at lumagay na kal. ang kap. na Pingkian.

 

            Alinsunod sa kaayusang sinusunod, tungkol sa pagtatayu ng Sb., kung ang isang By. sa isang bayang walang Sb. pa ay magkaroon ng kabilangang nauukol na mga k. nasasanib, ang k.p. ay nagpahayag na kinakailangang magtayu ng Sb., sapagkat ang mga k. ng By. Makabuhay ay lumalabis pa sa kabilangang hanap.

 

            Sa bagay na ito ay ginawa ang paghahalal ng mga pinuno sa itatayung Sb. na magdadala ng pangalan din ng dating By.  Sa katungkulang pangulo ay lumabas ang kap. na Magiliw, sa kal. ang kap. na Bituin, sa t. ang kap. na Bakal at sa ty. ang kap na Dupil.

 

            Sa pagkatapus nito’y ginawa naman ang paghahalal ng apat na kasanguni ng Sb., at nagsilabas ang mga kap. na Araw, Bato, Tala at Bato-balani.

 

            Kapagkatapus nito ay sumumpa ang apat na pinuno muna at saka ang apat na kasanguni sa ngalan ng Bayan, at ng K.K.K., na kanilang tutuparin ng lubos na pagtupad ang katungkulang ipinagkaloob sa kanila ng kanilang mga kap.  Tuloy tumangap ng kanikanilang katungkulan, at saka ipinahayag ng k.p sa boong kapulungan na magmula sa araw na yaun ay natatayu na ang Sb. “Makabuhay” sa Bayan ng Mandaluyong.

 

            Ayon sa talagang palakad ay sinimulang magtayu ng isang bagong By. na kasasaniban ng lahat ng mga k. hindi na ihalal sa ano mang katungkulan sa Sb.  Sa kaibigan ng lahat ay inalanan ng “Tala” itong bagong By.

 

            Tuloy ginawa ang paghahalal ng mga pinuno at alagad na mangangasiwa sa By. “Tala”, at ang kinalabasan ay itong sumusunod: p. ang kap. na Gatdula, t. ang kap. na Batong-buhay, kal. ang kap. na Higanti, ty. ang kap. na Loob; Mabalasik ang kap. na Limbo, Tagalaan ang kap. na Sila, taliba ang kap. na Buan, at Maningil ang kap. na Tankilik.

 

            Karakarakang malutas ang mga paghahalal sa mga kap. na ito, sila’y nagsipanumpa na tutupad at gaganap ng lubos sa mga katungkulang ipinagkatiwala sa kanila ng kanilang mga kap., tuloy tumangap ang bawa’t isa’t ng sa kaniya’y nauukol.  Sa pagkatapus nito’y ipinahayag ng k.p. sa buong kapulungan na magmula sa araw na yaun ay natatayu na, sa bayan ng Mandaluyong at sa ilalim ng kapangyarihan ng Sb. “Makabuhay”, ang By. “Tala”.

 

            At saka nagbigay ang k.p. ng ilang mga pangaral tungo sa pagpapatibay ng mga bagong itinayung pulutong, na ang wika’y walang ibang pagbubuhatan kung di ang kasipagan, tiaga at katalinuhan ng mga kap. na doo’y nalalagay, lalung lalu na ang mga pinuno.

 

            Niwakasan itong pagpupulong sa ika pitong daguk ng bakal sa tansu ng gabi, kapagkatapus sumumpa ang lahat na di isisiwalat ang lahat na namasdan at napakingan.

           

Mandaluyong ika 5 ng Enero ng taung 1896.

 

                                                                                    Ang K.P.

                                                                                    Vzypzgzsz

            Ang K. Kal.

            Pnllknzll