|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Supreme Council Record
of meeting held on January 6, 1896, in Malabon Source: Archivo
General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.84 |
||
|
Introduction On Monday, January 6,
1896 – a holiday to celebrate the Feast of Three Kings - members of the KKK
Supreme Council went from Elected as officers of
the new Sb. Dimahipo were “Mapilit” (Adriano Jesus, a cloth manufacturer) as
president; “Madarag” (Eugenio Goson, a tabaquero at the El Oriente factory)
as secretary; “Tala” as fiscal and “Laot” (Isabelo Reyes, also a tabaquero at
the El Oriente factory) as treasurer. All the remaining
members of the former By. Dimahipo in the barrio of Tinajeros were then
deemed to have moved to a new Balangay, By. Tangulan, and elections were duly
held to fill its offices. Elected as
its president was “Tubig” (Damaso Huat).
A second new Balangay, based in the barrio of Tambobong, was
established with the name By. Masikap, and elections likewise held to fill
its offices. Elected as its president
was “Leon” (Gregorio Coronel, a cloth manufacturer), who was subsequently to
become a member of the Katipunan’s Supreme Council. Emilio Jacinto was sick
on the day of the meeting and unable to attend. In his absence Pio Valenzuela took a note
of the decisions of the meeting, but it was nevertheless still Jacinto who
later wrote up this formal record, certified by his own and Bonifacio’s
signatures. |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
K . K . K. N. M. A. N. B. Kataastaasang Sangunian Sa ngalan ng Bayang
tinubuan at sa lalung kapurihan at ikalalaki ng kaayusa’t lakas ng K.K.K.,
itong K.S. sa pamagitan ng ilang mga pinuno at kasanguni niya, ay dumalo sa
pulong na ginawa ng By. “Dimahipo” ng ikaanim ng Enero ng taung umiiral sa
bayan ng Malabon na siyang kinatatayuan ng nasabing By. Sa ikalawang daguk ng
bakal sa tansu ng hapun, ay binuksan ang kar., na pinanguluhan ng k.p. at
lumagay na kal ang k.t., sapagkat may sakit ang k. kal. Alinsunod sa kaayusang
sinusunod, tungkol sa pagtatayu ng Sb., kung ang isang By. sa isang bayang
wala pang Sb. ay magkaroon ng kabilangang nauukol na mga kpung nasasanib, ang
k. p. ay nagpahayag na kinkailangang magtayu ng Sb., sapagkat ang mga k. ng
By. Dimahipo ay lumalabis pa sa kabilangang hanap. Sa bagay na ito ay ginawa
ang paghahalal ng mga piununo sa itatayung Sb. na magdadala ng pangalang dala
ng dating By. Sa mga paghahalal ay
lumabas na p. ang kap na Mapilit, t. ang kap. na Tala, kal. ang kap. na
Madarag, at ty. ang kap. na Laot. Kapagkatapus ay sumumpa
ang apat na k. ito sa ngalan ng Bayan at ng K.K.K., na kanilang tutuparin ng
lubos na pagtupad ang mga katungkulang ipinagkaloob sa kanila ng kanilang mga
kap. Tuloy tumangap ng kanilang mga
katungkulan, at saka ipinahayag ng k.p. sa madlang nangakaharap, na magmula
sa araw na ito ay natatayu na ang Sb. “Dimahipo” sa bayan ng Malabon. Ayon sa talagang palakad
ay sinisilang itayu ang isang bagong By. na kasasaniban ng lahat ng mga k.
hindi naihahalal sa ano mang katungkulan sa Sb. sa nayon ng Tinageros. Sa kaibigan ng lahat ay inalanan “Tangulan”
itong bagong By. Tuloy ginawa ng
paghahalal ng mga k. dito’y mamumuno, at ang kinalabasan ay itong sumusunod:
p. ang kap. na Tubig, t. ang kap. na Sinukuan, kal. ang kap na Ugong, at ty.
ang kap na Matuid. Sila’y tuloy na
sumumpang tutupad sa kanilang mga katungkulan at saka tinangap ng bawa’t isa
ang sa kaniya’y nauukol. Sa pagkatapus
nito’y ipinahayag ng k. p. sa madlang nangakaharap na magmula sa araw na ito
ay natatayu sa nayon ng Tinageros at sa ilalim ng kapangyarihan ng Sb.
“Dimahipo”, ang By. “Tangulan”. Muling nagtayu ng isang
bagong By. sa nayon ng Tambobong na kasasaniban ng mga k. doo’y
nananahan. Sa kaibigan ng lahat ay
inalanan ang By. na ito ng “Masikap”. Tuloy ginawa ang
paghahalal ng mga k. dito’y mamumuno, at ang kinalabasan ay itong sumusunod:
p. ang kap. na Leon, t. ang kap. na Maghusay, kal ang kap. na Dayap, at ty.
ang kap. na Bomba. Karakaraang mahalal
ang mga k. ito, nila’y nagsipanumpa ng lubos na pagtupad sa mga katungkulang
ipinagkatiwala sa kanila ng mga kap. nila, tuloy tumangap ang bawa’t isa ng
sa kaniya’y nauukol. Sa pagkatapus
nito’y ipinaghayag ng k.p. sa buong kapulungan na magmula sa araw na ito ay
natatayu na sa bayan ng Malabon, nayon ng Tambobong at sa ilalim ng kapangyarihan
ng Sb. Dimahipo, ang By. “Masikap.” Sa ikaanim na daguk ng
bakal sa tansu ng hapun ay iniwakasan ang pagpupulong, pagkagawad ng gawing panunumpa. Malabon, ikaanim ng
Enero, ng taung 1896 Ang K.P. Vzypzgzsz Ang K. Kal.. Pnllknzll |
|
|