|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
The Supreme Council Notice to all members, circa April 6,
1896
Source: Archivo General
Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.47. |
||
|
Introduction This document informs the KKK membership about decisions taken
at meetings of the Kataastaasang Kapisanan [Supreme Assembly] and the
Kataastaasang Sangunian [Supreme Council], and asks that these decisions be
noted and implemented. Except for the
words placed in quotation marks, the English text below is a paraphrase of
the document, not a translation. Orders of the Supreme Assembly:- First: The publication of Kalayaan,
“the Tagalog-language paper that comes from Second: Contributions towards
the salary of Kap. Dimas Ayaran [Pio Valenzuela] as physician to the KKK need
to be received on a regular basis, and a number of Sangunian Bayan [Sb.,
popular councils] and Balangay [By., branches] will have fixed monthly
quotas, as follows: Sb. Katagalugan P10; Sb. Makabuhay, P7; Sb. Mahiganti,
P.3½; Sb. Dimahipo P3; By. Dapitan, P2; and By. Dimasalang, P1½. The Supreme Council will itself contribute
P1 each month. Third: Before a council or
branch gives financial assistance to any of its members [in the event of
sickness or bereavement, for example] an investigation should be conducted to
confirm that they have fulfilled their duties diligently and paid their dues. If they are found to have fallen short or
lapsed in some way, they should not be assisted. Fourth: Kap. Makahia and Kap.
Talisay of Sb. Makabuhay are to be thanked and commended for the special
support they have given the Katipunan “and in meeting the expenses of the delegates.” [Sb. Makabuhay was the popular council in
the town of Orders of the Supreme Council:- First. Every council, and
every individual branch not attached to a council, should submit to the Supreme Council a full
roster of their members, detailing each one’s name; alias; age, situation
[presumably meaning marital status]; place of birth; residence; date of
admission to the society; payment of membership dues; branch; and positions
held. Members who had been expelled or
become “distant” from the society should also be listed, but the word
“separated” should be written on their record. Second. The secret signs
approved by the Supreme Assembly on November 30, 1895 should now replace the
old ones. The new signs are as
follows:
Twenty days from the date of this notice, the old signs will
cease to be operative, and thereafter anyone who does not know the new signs
should not be recognised as a brother, unless you already know them. The disclosure of the new signs to anybody
who is not connected with the society, or has been expelled, will merit a severe
punishment. Third. The KKK needs to
change its secret code, and a competition is to be held to devise a new code
that is at once ingenious and easy to comprehend. Members are invited to submit their ideas
for such a code in a sealed envelope, together with their alias, to the
Supreme Council before April 15, and whoever submits the best proposal will
win a piece of silver jewelry donated by Kap. Leon [Gregorio Coronel]. Fourth. It has been confirmed
that Kap. Tiktik [Jose Turiano Santiago] has been criticising the Katipunan
to the family and all the relatives of Dr Rizal. He also took away the pictures of the
parents and siblings of our illustrious compatriot, which the KKK made and
owns, and gave them to the family without the knowledge of the Katipunan. Above all, he is showing ever-greater
disobedience to his oath of allegiance.
For these reasons, the Supreme Council has decided, first, that a
picture of Tiktik, who has already been expelled from the KKK, should be
placed beside those of the “Traitors”, and secondly that members associated
with him who treat him as if he were still a brother in the Katipunan should
be investigated and if necessary punished. Fifth. Kap. Kulog [Donato
Abella Cruz] of Sb. Katagalugan is strenuously working against the authority
invested in the KKK and its leaders, and has completely violated his oath of
allegiance. The Supreme Council has
therefore endorsed the punishment ordered by the aforesaid Sb. Katagalugan
that he be expelled from the KKK and that his picture be placed alongside
those of the “Traitors”. The
second decision of the Supreme Council relating to Tiktik also applies to
Kulog. Sixth. Kap. Limbas
[Eleuterio Reyes] of Sb. Katagalugan has not attended any meetings even
though he’s been repeatedly summoned. What
he really likes to do is to go to the cockpit, and he takes no notice of what
anybody says. This behaviour shows he
is of no worth to the Katipunan, and the Supreme Council has therefore
endorsed the punishment ordered by Sb. Katagalugan that he be expelled, but
that his picture should not be placed alongside those of the “Traitors”. Seventh. Kap Leon [Gregorio
Coronel] has been placed in charge of the “Basahan ng Bayan” [People’s
Reading Room] and Kap. Silang [Balbino Florentino] has been appointed to the
position of Tagapangasiwa [Administrator], from which Kap. Pingkian [Emilio
Jacinto] had been released. Eighth. Kap. Tagaisok [Aguedo
del Rosario] has been elected as Assistant Secretary of the Supreme Council
and Kaps. Leon [Gregorio Coronel] and Makabuhay [Enrique Pacheco] have been
elected as kasanguni [councillors]. Ninth. Members are reminded that the
Supreme Council has appealed for all members to contribute 32 kualta
to a fund for the widow of Kap. Jasmin.
Many members have not yet made their donations. Tenth. Members are reminded that the
Supreme Council has appealed for donations of books and financial
contributions to help build the “Basahan ng Bayan”. The response to these appeals has so far
been disappointing. Eleventh. In accordance with our sworn
duty to show compassion to the afflicted, the Supreme Council will be staging
a show at the Teatro Colon to raise funds for members who had lost their homes and
possessions in the devastating on April 3.
All members in The document concludes by asking KKK
members to “to note and fulfill all these decisions, and to receive our close
embrace.” The document is written in a neat calligraphic script by
Bonifacio himself, but for some reason the space beneath his title is left
blank, without a signature. The
document is however signed by “Pingkian”
[Emilio Jacinto] as secretary to the Supreme Council. |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
K . K . K. N. M. A. N. B.
Kataastaasang
Sangunian ----------------- Sa lahat ng mga
Katipon Minamahal na mga kap: Alinsunod sa mga katungkulang
taglay nitong K. S., ukol sa paglalathala sa buong Katipunan ng mga atas ng
Kataastaasang Kapisanan at ng sariling mga pasiya, sampu ng sa ibang mga
pulutong na nararapat sa gayon, upang makilala ng lahat at maganap, sa pag
tupad ng katungkulang ito’y aming ipinagbibigay alam ang mga sumusunod: Mga atas ng K. Kapisanan Una :- Tungkol
sa “ Kalayaan” [periodikong wikang tagalog na nangagaling sa Japon] ay
gaganapin itong mga sumusunod:- Una: sa pagka’t di kakaunting tulong ang maibibigay
nito sa ipagtatamo ng mga nilalayon ng K.K.K., at sa ikadadali ng pagkagising
ng kaisipan at kalooban ng mga tagalog, ang lahat ng katipon ay may
katungkulang mahigpit na pagpilitan nilang magpasulat at humikayat na
magpasulat sa mga dikaalam na inaakala nilang may karapatan. Ikalawa: Ang mga pinuno ng mga pulutong ay
siyang lalagay na parang katiwala ng mga pinuno ng K.S. sa mga pagpapasulat
na ito. Ikalawa: Sa ikatutupad ng iniatas na ambagang
ibibigay sa buan buan sa kap. na Dimas-Ayaran, ay pinagkaisahang sasagutin ng
mga pinakakatawan ang isang halagang tatagang taning. Sa bagay na ito’y lumabas na sumagut ng
sampung piso ang Sb. Katagalugan, tatlong piso ang Sb. Dimahipo, pitong piso
ang Sb. Makabuhay, dalawa ang By. Dapitan, tatlo’t isang salapi ang Sb.
Mahiganti, piso ang K.S., piso’t isang salapi ang By. Dimasalang. Ikatlo: Ang mga kpong. nagkakailangan ng
saklolo, bago ganapin ang nararapat ay uusisain muna kung nagsipagtupad sa
kanilang mga tungkol, at kung walang mga pag kukulang na ginagamit. Kung lumabas na di tumutupad at nagkulang
ay hindi sasaklolohin. Ikaapat: Sa tanging mga paglilingkod sa K.K.K., at sa mga gugol
na kinatawan ng mga kap. na Makahia at Talisay sa nasasakupan ng Sb.
Makabuhay, minarapat ng K. Kapisanan na sa lalung kapurihan nila, ay
malathala sila sa buong Katipunan. Mga atas ng K. Sangunian Una:- Ang
mga Sb. at ang mga By. na walang nakasasakup na Sb., ay magpapadala dito sa
K.S. ng buong kasaysayan ng lahat ng mga kpon. na kanilang nasasakupan. Sa kasaysayang ito ay malalagay ang
pangalan ng bawat isa, pamagat, taong katandaan, kalagayan, tinubuan,
tahanan, araw ng pagkapasuk, kabayaran sa pagkapasuk, katungkulang
hinahawakan [kung sakali’t mayroon] at pulutong na kinasasaniban. Tagubilin: Ang
mga ktpong. tiwalag at gayon din ang nasasamalayu, ay pawang ilalagay din,
lamang ay sa tapat ng “pulutong” na kinasasaniban ay isisulat na tiwalag,
kung tiwalag. Ikalawa:- Ang mga hudiatang pasiya ng K. Kapisanan sa
pulong na ginawa ng ikatlong puo ng Noviembre, ng nagdaang taun, ay
ipakikikala sa lahat, upang maipairal at maihalili sa mga dati. Ang mga hudiatang ito ay ang sumusunod: Kung
sasaayus ay ilalagay ang kanang kamay sa balikat na kaliwa. Sa pagkakamayan ay ihahagud ng makaitlo ang
dulo ng hintuturo sa dakong ibaba ng galang-galangan. Sa pag pupugayan, ay aalisin ang kalu
[sombrero] at ilalay ng patihaya sa tapat ng puso. Sa mga tanungan ay ito: “¿Anong araw
kahapon? Sagut: Araw ng
Kapayapaan. ¿Anong araw ngayon?
Sagut: Araw ng Kaalipinan. ¿Anong araw bukas?
Sagut: Araw ng Kalayaan”. Ang
mga lihim na wika ay “Na Sa Anak-Bayan”.
Kung ang isang Katipon ay nagagapus, ng siya’y makilala ay isusuntok
niya ang kaniyang mga kamay liban sa kalingkingan na iuunat. Kung may nakaharap na di kalaalam ay
hahawakan ng nakakatalastas ang kaniyang tainga, na ang kahuluga’y may
nakariringig; at ang iba’y sa bibik ang hawak tanda na siya’y di magsasalita. Sa bagay na
ito, mula sa kaarawang taglay nitong kasulatan hangang sa makalampas ang
dalawang puong araw, ay wala nang kabuluhan ang mga dating hudiatan, at may
katuirang huag kilalanin kap. ang di nakaaalam ng mga bago, liban lamang kung
may mga ibang bagay na dapat pagkakilanlan. Tagubilin: Ang mahulihang marapatan na magsiwalat ng
mga hudiatang ito sa kanino mang dikaalam at mga katpon. tiwalag, ay
lalapatan ng matinding parusa. Ikatatlo:- Ang sino mang katpon. na makapagpadala dito sa K.S. ng
lalung matalino’t lalung magaang pagaaralang panukala tungkol sa lihim na pag
sulat na dapat gamitin ng K.K.K., ay bibigian ng isang palang ipagkakapuri
niya. Ang palang ito’y isang hiyas na
pilak na handog ng kap. na Leon. Ang
mga panukala ay isusulat, at kalakip nito’y ipadadala ang pamagat na
nakapaloob sa isang balutang-sulat [sobre] na nakadikit. Ang mga panukala ay hindi na tatangapin,
kung di hangang sa ikalabing lima lamang ng Abril darating. Ang hahatol sa pagpapangagaw na ito ay ang
K.S. Ikaapat:- Sa pagka’t napatunayang pinupulaan ng katpong. Tiktik
ang K.K.K. sa mga hinlog at buong kamaganakan ng Dr Rizal; sa pagka’t ang mga
larawan ng mga magulang at kapatid nitong bunying kababayan natin, na pagawa
at aring tunay ng K.K.K. ay pinakialaman niyang kinuha at ibinigay sa kanila,
na di naaalaman ng K.K.K., at sa pagka’t ang naturang katpon. Tiktik ay
lalu’t lalung nagpapakita ng matinding pagsuail sa kaniyang panunumpang
inihandog, itong K. S. alinsunod sa kapangyarihang iginawad sa kaniya ay
nagpasiya nitong mga sumusunod: Una:
Ang larawan ng Ktpong. Tiktik [José T. Santiago], na dating natitiwalag, ay
isasama sa piling ng mga “Taksil”.
Ikalawa”: Ang mga katpong. makialam sa kaniya’t ariin pang kapatid sa
Kat., ay paguusigin at lalapatan ng nauukol kong siyang nagigingdapat. Ikalima: Sa pagka’t ang Kpong. Kulog [Donato Abella Cruz] sa nasasakupan
ng Sb. Katagalugan, ay gumamit ng malaking pag labag sa kapangyarihang gawad
ng K.K.K., sa kaniyang mga pinuno, at sa makatuid tunay na pag alipusta sa
Kat.; sa pagka’t ang nasabing Kat. bukod pa sa rito ay nakitaan ng lubos na
kapaubayaan sa pag tupad ng kaniyang mga panunumpa, ay minarapat nitong K.S.
ang parusang iniatas ng naturang Sb. Katagalugan na siya’y matiwalag at
malagay ang kaniyang larawan sa piling ng mga Taksil. Paunawa:
Ang ikalawang pasiya ng K.S. tungkol sa kpong Tiktik ay kapit din sa
kapong ito. Ikaanim: Sa pagka’t ang kapong Limbas [Eleuterio
Reyes] sa nasasakupan ng Sb. Katagalugan, ay hindi dumadalo sa alin man
pulong kahit ulit-ulit na ipatawag; sapagka’t siya’y napatunayang naglalaru
ng sabung, at niwawalang bahala ang mga pangaral sa kaniya; sa pagka’t itong
mga kapaubayaan niya’t mga pagkukulang ay maituturing na kaniyang niwawalang
kabuluhan ang K.K.K., ay minarapat nitong K.S., ang parusang iniatas ng Sb.
Katagalugan na siya’y matiwalag, datapua’t hindi ang masama pa ang kaniyang
larawan sa piling ng mga Taksil. Ikapito: Sa ikakikilala at ikagaganap ng nauukol ay
ipinagbibigay alam na ang Tagapamahala sa ngayon ng “Basahan ng Bayan” ay ang
kap. na Leon, at Tagapangasiwa ang kap. na Silang, sapagka’t nag bitiw ng katungkulang
ito ang kap. na Pingkian. Ikawalo: Sa ikakikilala ng lahat at ikagaganap ng
nauukol ay ipinag bibigay alam ding na inihalal na Pangalawang Kalihim sa
K.S. ang kap. na Tagaisok at mga Kasanguni ang kap. na Leon at ang kap. na
Makabuhay. Ikasiam: Sa pagka’t kinakailangan na ang ambagang
manikapat labing dalawa na pinagkaisahang ibibigay sa asawa ng ating kap. na
Jasmin; at sapagka’t marami pa ang hindi nakatutupad, ay muling ipinaaalaala
nitong K.S. sa mga Katpong. di pa nag bibigay na mangyari lamang na kanila ng
ganapin. Ikasampu: Sa pagkakita nitong K.S. nabibihira ang nakatutupad pa
sa mga librong ibibigay at manikapat na ambag sa “Basahan ng Bayan”, ay nag
pasiya na muling ipaalaala sa kanila. Ikalabing isa: Alinsunod sa pag dadamayang ipinanumpa at sa pagka’t
kinakailangang ito’y gamitin sa mga kap. na nasunugan ng ikatatlo ng Abril,
ay nag pasiya ang K.S. na maglagay ng palabas sa “Teatro Colon” at ang dito’y
kitain ay iaabuloy sa kanila. Sa bagay
na ito’y katungkulan ng lahat ang pumasuk sa gagawing palabas at magpapasuk
pamandin ng dikaalam. Dito’y di kasali
ang mga pulutong na nasamalayung bayan, at ang kanilang tutungkulin ay ang
ambagan lamang. Ipakilala at ipatupad sa
lahat ang mga atas na ito, at tuloy tangapin ang aming mahigpit na yakap. Maynila, ika ng
ng taung 1896. Ang
K.P. Ang K. Kal. Pnllgnzll |
|
|
|
|
|
|