DOCUMENTS OF THE

 

Katipunan

HOME

Supreme Council

Record of meeting held on February 21, 1896

 

                                          Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.81

 

Introduction

 

Transcribed below is Jacinto’s record of a Supreme Council meeting held at Bonifacio’s house at eight o’clock in the evening of Friday, February 21, 1896.  Seven members of the ten-man Council were present – “Maypagasa” (Andres Bonifacio), “Dimas Ayaran” (Pio Valenzuela), “Pingkian” (Emilio Jacinto), “Tagaisok” (Aguedo del Rosario), “Silang” (Balbino Florentino), “Subiang” (Jose Trinidad)  at “Bulalakaw” (Pantaleon Torres) – and three were therefore absent – “Maniangat” (Vicente Molina); “Silanganan” (Francisco Carreon) and “Talibong” (Hermenegildo Reyes).

 

Partly perhaps to minimise absences, partly to save time and effort in notifying members every time a meeting was to be held, and partly in recognition of the need to meet more regularly and frequently, the Supreme Council agreed that it would in future convene at Bonifacio’s house on the first and third Sunday of every month at eight o’clock in the morning.

 

To deal with the workload arising from the KKK’s growth and quickening activity, the Council assigned the six Kasanguni (councillors) a specific title and responsibilities – Aguedo del Rosario was elected as Assistant Secretary (to Jacinto); Pantaleon Torres as Warden; Hermenegildo Reyes as Guard and Patroller; Francisco Carreon as Writer or Recorder; and Jose Trinidad and Balbino Florentino as administrative assistants.

 

To improve and standardise record-keeping throughout the organisation, the Council agreed to request all sections to prepare a report showing each member’s name, alias, date of initiation, positions held, dues paid, and status and occupation.

 

It was agreed that a meeting of the Kataastaasang Kapisanan (Supreme Assembly) should be convened on March 22, 1896.  Hermenegildo Reyes was assigned to contact branches whose members had not yet contributed to a collection for the widow of the brother known as “Jasmin”.

 

Finally, the Supreme Council discussed arrangements for marking the 24th anniversary of the executions of the priests Gomez, Burgos and Zamora.  It was agreed that on February 28 the sections of the Katipunan should set up a catafalque in some secure location in their respective districts, guarded throughout the day – from six o’clock in the morning until ten o’clock at night – by kapatid (brothers) bearing weapons.  Beside the catafalque should be displayed the text of an oath for members to read and sign, pledging to avenge the martyred priests.  A collection plate should also be provided, into which it was hoped each member would put a small donation, and the sections should later turn over whatever sum was collected to the Sangunian Lihim (Secret Council).

 

 

 

 

 

 

K . K . K.

N. M. A. N. B.

Kataastaasang Sangunian

(- Pinagsulatan - )

           

            Sa ngalan ng Bayang tinubuan, at sa lalung ikalalaki ng kaayusa’t lakas ng K.K.K., itong K.S. ay gumawa sa ikadalawang puo’t isa ng Febrero ng taung isang libo, walong dan, siam na puo’t anim, ng isang pagpupulong, sa bahay ng kap. na Maypagasa.

 

            Sa ikawalong daguk ng bakal sa tansu ng gabi, ay binuksan ang kar. at ang dito’y nangakaharap ay ang mga kap. na Maypagasa, Dimas Ayaran, Pingkian, Tagaisok, Silang, Subiang at Bulalakaw.

 

            Sa ipinagutos ng k.p. na basahin ang pinagsulatan ng sinusundang pagpupulong, ay ipinahayag ng k. kal. na kaniyang nakalimutang dalhin ang nasabing pinagsulatan.  Sa bagay na ito’y pinagkaisahang dadalhin at babasahin sa susunod na pulong.

 

            Ginawa ang paghahalal ng pangalawang Kal., Tagalaan, Taliba, Manunulat at Tagalibot ng K.S., at ang pinagkaisahang nagsilabas ay ang mga kap. na Tagaisok sa katungkulang pangalawang Kal., Bulalakaw tagalaan, Talibong Taliba at tagalibot, at Silanganan manunulat.  Ang mga kap. na Subiang at Silang ay inihalal namang tagatulong sa pagsulat.

 

            Sa pagkakita ng lahat ng pagkakailangang tumaning ng mga araw na maging ugaling pagpupulong ng K.S., pinagkaisahan na sa tuing una at ikatlong araw ng Lingo ng bawat buan ay gagawin ang mga ugaling pagpupulong sa ikawalong daguk ng bakal sa tansu ng umaga sa bahay ng kap. na Maypagasa; at sa bagay na ito ang sino man ay di na kakailanging untagin pa sa nauukol na pagdalo.

 

            Pinagkaisahang hihingin sa lahat ng pulutong ang isang malinaw na kasaysayan ng lahat ng k. nasasanib at nasasakupan nila.  Sa kasaysayang ito ay malalagay ang pangalan ng bawat isa, pamagat, araw ng pagkapasuk, katungkulang pinahawakan, pulutong na kinasasaniban, kabayaran sa pagkapasuk at pagkaangat at tahanan.

 

            Pinagkaisahang pupulungin sa ika dalawang puo’t dalawa ng buan ng Marzong dadating ang K.K.

 

            Pinagkaisahang ipagtungkol sa kap. na Talibong ang lumibot sa mga By. at iba pang pulutong, na siya’y maglilipit sa mga k. hindi pa nagbibigay ng ambagang manikapat labing dalawa na nauukol sa saklolong pinagkaisahang ibibigay sa asawa ng ating namatay na kap. na Jasmin.

 

            Tungkol sa dating atas ng K.K. na ipagluluksa ng buong Kat. ang kalalagimlagim na araw ng ikadalawang puo’t walo ng Febrero dahil sa pagkabitay sa araw na ito ng mga kababayang Gomez, Burgos at Zamora ay pinagkaisahan itong mga sumusunod: I – Ang bawat bayang may pulutong ang magaayus ng isang andas sa araw na ito mula sa ikaanim ng daguk ng bakal sa tansu ng umaga hangang sa ikasampu ng sa gabi.  II – Ito’y tatanuran sa loob ng maghapun ng halihaliling k. may sandata sa kamay.   III – Sa andas ay masasabit ang isang kalatas na kinasulatan ng panunumpang ipaghihiganti ang pagkamatay nila.  IV – Sa gagawad ng panunumpang nakasulat at tuloy maglalaglag ng isang munting kaya sa pingang ilalagay sa harap ng andas.  V. – Ang salaping dito’y mailigpit ay ibibigay sa Sanguniang Lihim.  VI – Sa silid na kalalagian ng undas ay walang makakapasuk kung di k. at nakaluksa.

 

            Kapagkatapus sumumpa ang lahat na di isisiwalat ang lahat ng namasda’t napakingan, niwakasan itong pagpupulong sa ikasampung daguk ng bakal sa tansu ng gabi.

 

            Maynila, ika 21 ng Febrero ng taung 1896.

 

Ang K.P.

 

Vzypzgzsz

           

Ang K. Kal.                                                               

            Pnllknzll