DOCUMENTS OF THE

 

Katipunan

HOME

The Supreme Council

Record of meeting held on June 21, 1896, in Sta.Ana

 

Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.57

 

 

Introduction

 

On the afternoon of Sunday, June 21, 1896 Andres Bonifacio, Emilio Jacinto and Aguedo del Rosario (the Supreme President, Supreme Secretary and Deputy Secretary) went to the town of Sta Ana, just east of Manila.  At one o’clock in the afternoon, Bonifacio presided over the promotion of the KKK Balangay (By.) in the town – By. Kasilawan – to the status of a Sangunian Bayan (Sb., Popular Council). 

 

Elected and inducted as officers of the new Sb. Kasilawan were “Santol” (Narciso Tibay, a compositor at the Imprenta de los Amigos del Pais) as president; “Apuy” as fiscal; “Matigas” as secretary; and “Walang-takut” (Valentin Matabagdal) as treasurer. 

 

It was decided to establish three Balangay (By., Branches) under the jurisdiction of the new Sangunian Bayan – By. Agapan in the barrio of Lamayan; By. Matatag (or Matatatag) in the barrio of San Roque; and By. Tagisan in the barrio of Suaboy – and elections were also held to the fill the leading positions in these three branches.

 

 

 

 

 

K . K . K.

N. M. A. N. B.

Kataastaasang Sangunian

(Pinagsulatan)

           

 

            Ngayong ikadalawang puo’t isa ng Junio ng taung isang libo, walong daan, siam na puo’t anim,

 

            Sa ngalan ng Bayang tinibuan at sa lalung kapurihan at kaayusan ng K.K.K.,

 

            Itong K.S. sa pamagitan ng K.P, ng K. Kal. at ng Pangalawang Kal. ay nagsidalo sa bayan ng Sta Ana, at kanilang pinulong ang mga katipon ng By. Kasilawan na natatayu sa bayang ito at sa ilalim ng kapagnyarihan ng Sb. Makabuhay.

 

            Sa ikaunang daguk ng bakal sa tansu ng hapun ay sinimulaan ang pulong, at ipinahayag ang K.P. na ang nagiging kadahilanan ng pagpupulong na ito, ay ang pagtatayu ng Sb., sapagka’t ang kabilangan ng mga ktpon. sa By. na ito ay lumalabis pa sa talagang kinakailangan.

 

            Sa bagay na ito ay sinimulaan at ginanap ang paghahalal ng mga pinunong tutungkol sa itinatayung Sb., at lumabas na Pangulo ang kapatid na Santol, Tagausig Apuy, Kalihim Matigas at Tagaingat-yaman ang kap. na Walang-takut.

 

            Nagsipaghandog ng panunumpang tutuparing lubos ang mga katungkulang ipinagkatiwala sa kanila ng kanilang mga kasamahan.  Tuloy nagsitangap ng kani-kanilang mga katungkulan.

 

            Kapagkatapus nito ay ipinahayag ng K.P. na mula sa araw na ito ay natatayu na sa bayan ng Sta. Ana ang Sanguniang Bayang Kasilawan.

 

            Ayon sa talagang palakad ay sinimulaan namang magtayu ng tatlong By. na masasakupan ng Sb. ito.  Sa bagay na ito ay inalanan ang isa na By. Agapan, ang isa ay By. Matatag at ang isa ay By. Tagisan, ang una’y sa nayon ng Lamayan, ang ikalawa sa S. Roque at ang ikatlo sa Suaboy.

 

            Ginawa ang paghahalal sa By. Agapan, at lumabas na Pangulo ang kapatid na Nagtangol, Tag. ang kap. na Naghikayat, Kal. ang kap. na Sumulung at Ty. ang kap. na Maibigin.

 

            Ginawa ang paghahalal sa By. Matatatag [sic] at lumabas na Pangulo ang kap. sa Salamin, T. ang kap. na Kasipagan, Kal. ang kap. na Ipagadya at Ty. ang kap. na Buhawi.

 

            Ginawa ang paghahalal sa By. Tagisan at lumabas na P. ang kap. na Araru, T. ang kap. na Matapang, Kal. ang Kap. na Ugit at Ty. ang kap. na Disinasadya.

 

            Nangagsipanumpa at nagsipagtangap ng kanikanilang mga katungkulan.

 

            Niwakasan itong pagpupulong kapagkatapus manumpa                  ang lahat na di isiniwalat ang balang namasdan at napakingan.

 

            Maynila, 21/6, 1896.

 

                                               

Ang K. P.

                                                                                    Vzypzgzsz

            Ang K. Kal.               

            Pnllgknzll