|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
The Supreme Council Notice
to all KKK members, January 25, 1896 Source: Archivo General Militar de
Madrid: Caja 5677, leg.1.42 |
||
|
Introduction This document informs the KKK membership about decisions taken
at meetings of the Kataastaasang Kapisanan [Supreme Assembly] and the
Kataastaasang Sangunian [Supreme Council], and asks that these decisions be
noted and implemented. The English
text below the transcription is an abbreviated paraphrase of the document,
not a translation. Bonifacio wrote the document himself in a neat calligraphic
script, and signed it “Vzypzgzsz” - the coded form of his alias “Maypagasa” –
beneath the abbreviation of his title, “Ang K. P.” He also wrote “Ang K. Kal.” at the foot of
the text in anticipation that Jacinto would sign it as well, but for some
reason this did not happen. |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
K . K . K. N. M. A. N. B. Kataastaasang Sangunian Sa lahat ng mga Katipon
Minamahal na mga
Kapatid: Alinsunod sa katungkulan nitong K.S. na maglathala sa
buong Katipunan ng mga atas ng Kataastaasang Kapisanan at nang sariling mga
atas niya, upang matalastas ng lahat at sundin, ay aming ipinakikilala ang
mga pinagkaisahan sa mga pulong na ginawa ng naturang K.K. sa ikadalawang
puo’t apat ng Diciembre ng katatapos na taun, at sa unang araw ng Enero
nitong umiiral, sampo ng pinagkaisahan sa K.S. Mga atas ng K.
Kapisanan Sa unang pulong Una:- Sa malaking pagkakailangan na matipun ang
larawan (retrato) ng lahat ng mga katipun, sapagka’t ang mga larawang ito’y
dapat malathala na magiging kaparusahan sa pagkakasala at pag papala naman sa
pag tupad at paggawa ng kagalingan sa Katipunan, ng sinomang Kap.; at sa
karapatang makilala ng buong Katagalugan pagdating ng kaarawan, ang mga tunay
na anak na sa kanya’y nag ligtas sa dustang kaalipinan, ay ipinaguutos na ang
lahat ng mga katipung hindi pa nakapagbibigay ng kanilang larawan ay
magpakuha sa loob ng tatlong buan mula sa kaarawang ito, at ipadala sa
K.S. Ang hindi tumupad sa atas na
ito’y magkakamit ng parusang nauukol. Ikalawa: Sa pagka’t ang K. tiwalag na Kap. na
Burgos, bagu pa na pagtalastas na siya’y na titiwalag ay nakitaan na ng
pagbabalik loob; sa pagka’t ang pagsusumikap na dating nakita sa kanya ay
muling sumusungaw, sa pagka’t ang pagsusumikap na ito ay hindi rin kumukupas
kahit naalaman na niya ang sa kanya’y ipinarusa; sa pagkat ang mga salitang
na bitiwang minsang wari ay hilig sa mga ipinamamarali ng mga taksil ay hindi
iba ang pinagbuhatan, kundi ang pagkabatang loob niya, na pinatunayan ng
lahat na nakakikilala sa kanya, at dahil dito’y mag buhat ang mabiglaunang
maniwala kahit sandali sa lilong hikayat ng mga nasabing taksil; at sa pagkat
nakitaan ng malaking pag sisisi sa nagawang pagkukulang, ay minarapat ng K.K.
na ang kap. na Burgos ay patawarin sa ginawang sala at mabalik, at maalis sa
pagkatiwalag ng wala nang tatlong buang subok at wala ding bayad sa pagkabalik. Ikatlo: Sa pagkat may mga sumbong na dumating sa
K.S. laban sa mga gawa ng kap. na Kalapati na pinanganlang kaululan ng K. ito
ang Katipunan; sa pagkat sa mga paguusig na ginawa wari’y tunay na nagkasala;
sa pagkat sa katungkulan niyang Kal. ng Sb. Dzpñtzll ay hindi gumaganap ng
anoman lamang mula ng tangapin niya ang katungkulan; at sa pagka’t lumalabas
na inuudiukan nito ang kap. na Kampilan na ama niya, na huag tumupad sa mga
katungkulang sinagutan, ay minarapat ng K.K., na ang k. Kalapati ay matiwalag
muna hangang pinaguusig ang buong katutuhanan ng mga sumbong na tinangap, at
maparusahan kung mapatunay ang may sala o kaya mabalik kung mapagkilalang
wala. Ikaapat:- Ang mga limbag na kasulatan, na kagamitan
sa Kat., ay babayaran sa mga sumusunod na halaga: ang pahayag sa mag may nasang makisanib,
apat na kualta ang isa; ang pinagsulatan ng panunumpa sa pagkakapasuk, ang
kasulatan sa pamamanhik na mapasuk at ang tanungan sa silid na panilayan,
isang kualta ang isa; at ang talaan ng mga kabagayang taglay ng hinihikayat
na may nasang makisanib isang kualta ang dalawa. Ikalima:- Ang salapi ng Kat. ay matitipon ng dalawang
pagtitipon: isa, ang salaping matitipon ng buong Kat. na di magagalaw kungdi
sa pasya’t kaibigan ng K.K.; at isa ang salaping tangi ng bawa’t isang
pulutong, buhat sa K.S. hangang sa kahulihulihang By. at Hkan; ang salaping
ito ay pamamahalaan ng pulutong na kinauukulan. Ikaanim: Ang bawa’t K. ay magkakaroon ng isang
kalatas na limbag, na pagkakikilanlan na siya’y tunay na A.N.B; ito’y
tinatawag na Katibayan at mayroong dalawang pinagkakaibahan: katibayang
akibat at katibayang kawal. Ang K.S.
ay siyang may katungkulang mag gawad ng mg Katibayan; datapua’t hindi
igagawad: Una: Sa mga katipong gumagamit ng masasamang kaasalan at
mabibigat na pagkukulang. Ikalawa: Sa mga
katipong hindi na kababayad ng ukol sa pagkapasuk o pagkaangat; at Ikatlo: Sa mga baguhan. Mga atas ng K.
Kapisanan Sa ikalawang pulong Una: Upang
makilala ng lahat at gamitan ng nauukol, ay inilalathala ang mga katipong
tumangap ng mga katungkulan sa K.S. sa taung hinaharap; ay itong mga
sumusunod: Pangulo, ang kap. na Maypagasa; Tagausig ang kap. na Dimasayaran;
Kalihim ang kap. na Pingkian; Tagaingat-yaman ang kap. na Manyangat; at mga
Kasanguni ang mga kap. na Tagaisok, Talibong, Bulalakaw, Subiang at Silang. Ikalawa: Ang
dating hindi pagpansin sa di kakaunting mga pagkukulang ay puputulin, at sa
ngayo’y paiiralin na ng K.K.K. sa pamagitan ng kanyang mga Sangunian, ang
buong kabagsikan sa paghatul at pagparusa sa balang magkulang at gumamit ng
kataksilan. Ikatlo:
Alinsunod sa ikalimang atas ng K.K. sa pulong ng ikadalawang puo’t
apat ng Diciembreng nagdaan, at sa lubos na pagkakailangang mangyari sa gawa
ang nasabing atas, ang K.K. sa pamagitan ng kanyang mataas at matuid na
kapangyarihan at kapagkatapus ng isang masiyasat na paglilining ay nagpasya
nitong mga sumusunod:- Una: Ipadadala ng lahat ng pulutong sa K.S. ang
mga kabayarang ginawa na at ginagawa ng mga katipun, ukol sa pagkapasuk at
ukol sa pagkaangat sa Kaw. na kabunyian. Ikalawa: Magpapadala din kasabay ng salapi ng isang
kasaysayan ng mga pangalan at pamagat, tinubuan, tahanan, kalagayan, hanap
buhay at araw ng pagkapasuk ng mga katipung pinagbuhatan ng mga padalang
kabayaran. Ikatlo: Ang salaping matitipon ay itatagu sa isang
kabang bakal na ari ng kap. na Maniangat at ang kaban ay ilalagay sa bahay ng
kap. na Dimasayaran, sa pagka’t hindi sukat pagtakhan na magkaroon ang isang
Medico ng isang kabang bakal na tinatawag na talega. Ikaapat: Sa tuing unang araw ng bawa’t buan ay
magpapasiyasat ang lahat ng pulutong sa tatlong Katipun niya ng salaping
nito, upang mawala sa ganitong paraan ang mga likong sapantanha at hamak na
paninirang puri na nakagulo at nakagugulo sa K.K.K., at upang maiwasan din na
ang salaping ito ay lansagin at pakinabangan ng isang lilo lamang. Tagubilin dito sa ikaapat: Ang tatlong Katipun ng bawat pulutong na
sisiyasat ng salapi ay iibahin sa buan buan. Ikaapat:
[sic] Ang K.S. sa katungkulan niyang
gumanap ng nararapat upang maghari sa buong Kat. ang lubos na kalinisan,
lalung laluna ang tungkol sa salapi, ay magpapasiyasat sa anim niyang
Kasanguni ng salapi ng lahat ng pulutong sa tuing ikatlong buan, kaya’t sa
bagay na ito ay kinakailangan na ang mga pulutong ay maglinis ng kanilang
bilangan ng salapi. Ikalima: Ang tunay na Pinakakatawan ng mga pulutong
sa K. Kapisanan ay ang mga Pangulo; datapua’t kung ang bayang kinatatayuan ng
pulutong ay lubhang malayu, na di mangyaring makadalo ang P. nito sa mga
pulong ng K. Kapisanan, ang pulutong ay pipili sa mga K. nananahan sa
malapit, ng kakatawan sa kanya. Mangyayaring
piliin ang Pinakakatawang ito sa kahit sinong K., maging pinuno’t kasanguni
ng K.S., maging sinomang k. ng alin mang By. at Hkan. Kung ang P. kumakatawan ng isang pulutong
ay hindi makadalo sa pulong at may isang kapansanang malaki, siya’y
hahalinghan muna sa kanyang katungkulan ng isa sa mga kasamahang pinuno. Tagubulin sa atas na ito: Sa salitang ang mga P. ng pulutong ang
siyang pinakakatawan nito sa K. Kapisanan; katutura’y ganito: ang mga P. ng Sh. o kaya ang inihalal na K.
na nanahan sa Maynila ang kakatawan sa lahat ng pulutong nanasasakop
nito. Ang mga P. ng Sb. dito sa Maynila, at
ang mga P. ng Sb. na wala pang sumasakop na Sh., at ang mga By. na walang
nakakasakop na Sb. ay siyang magkarapatang dumalo (ojo). Atas ng K.
Sangunian Sa
pagka’t ng ikatlo ng Enerong umiiral ay tumangap ang K.S. ng mga sumbong na
laban sa K. Kidlat t. ng By. “Katutuhanan”; sa pagka’t sa pulong na ginawa
nitong K.S. ng ikapitong araw ng buan ding ito, ay humarap sa kautusan nitong
K.S. ang naturang k. at nag pahayag at sumagut sa mga tanung na ginawa sa
kanya; sa pagka’t sa mga ipinahag ay lumabas: una, na siya’y sumusua’y sa K.
Kapisanan at sa makatuid sa K.K.K.; ikalawa, na siya’y hindi lamang nagtangka
kundi talagang kinusang ginawa na maihiwalay ang By. “Katutuhanan” sa K.K.K.,
ikatlo, na ang k. Kidlat ay nagkasala sa ika tatlong atas ng K.K. sa pulong
na ginawa nito ng ikatlong puong araw ng Noviembreng nag daan; ikaapat, na
siyay kumilos ng salapi sa kanyang By. na di ipinagbigay alam hangang sa na
usisa sa kanya; at ikalima, na sa mga pagpapahayag na ito ay may mga sinabing
walang katutuhanan, kahit kasusumpa pa lamang na sasabihin ang buong
katutuhanan; sa pagka’t ang mga salang ito ay malinaw na pinatunayan ng
sariling bibig ng K. Kidlat, bukod pa sa iba’t ibang pinagkakilanlan; at sa
pagkat isa lamang sa mga salang ito ay labis labis nang siya’y maparusahan,
ayon sa na sasabi sa naturang ika tatlong atas ng K.K. sa pulong ng
Noviembreng nagdaan, itong K.S. sa pag tupad ng kanyang katungkulan, ay
humatul sa K. Kidlat (Hermogenes Plata) at pinarusahan siyang matiwalag sa
Kat. at masama ang kanyang larawan sa piling ng sa mga taksil. Ilibot
at ipakilala sa buong Kat. ang lahat ng mga Atas na ito, at tuloy tangapin
ang aming mahigpit na yakap. Maynila
ika 25 ng Enero ng taong isang libo walong dan Ang
K.P. Ang
K. Kal. Vzypzgzsz |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
English paraphrase K . K . K. N. M. A. N. B. Supreme
Council To
all Members
Dear Brothers: In accordance with its duty to publicise the orders of the
Supreme Assembly and its own orders, so that they can be noted and followed,
the Supreme Council hereby makes known the decisions taken by the aforesaid
Supreme Assembly at meetings held on December 24, 1895 and January 1, 1896,
and also decisions taken by the Supreme Council. Orders of the Supreme Assembly, approved at a meeting held on
December 24, 1895 First: Pictures of all
members should be collected so that they can be displayed when misdeeds have
to be punished or when dutiful service to the Katipunan merits recognition,
and also, when the day comes, so that the whole of Katagalugan will know the
identity of the true sons who delivered her from ignominious
enslavement. All members who have not
yet obtained their pictures should therefore do so within the next three
months, and send them to the Supreme Council.
Those who do not comply with this order will be punished
accordingly. Second: It has been decided that Kap. Third: The Supreme Council has received complaints about the
actions of Kap. Kalapati, whose behaviour was a discredit to the name of the
Katipunan. Since he became the secretary
of the Dapitan council he has accomplished nothing, and because it has come
out that this was on the advice of his father, Kap. Kampilan, the Supreme
Assembly accordingly decided that Kap. Kalapati should be suspended from the
society until the accusations have been investigated. If the accusations are proven he will be
punished, but if they are found to be groundless he will be readmitted. Fourth: The printed documents
used by the Katipunan are priced as follows: the manifesto given to those who
wish to join the society [the
"Kartilya"], 4 kualta per copy; the application form, 1
kualta per copy; the
oath to be sworn upon initiation into the society, 1 kualta per copy; the questions to be
considered in the room of reflection, 1 kualta per copy; and the list of
points to be borne in mind when recruiting members, 1 kualta for two copies. Fifth: The funds of the Katipunan are divided between (i) the money
that belongs to the whole Katipunan, which cannot be disturbed unless the
Supreme Assembly so decides, and (ii) the money which is at the disposal of
each individual section, from the Supreme Council down to the last branch and
provincial unit. Sixth:
Each member should have a printed letter to identify them as truly
Anak ng Bayan; this is called an Authentication, and there are two different
types: officer’s authentication and soldier’s authentication. The Supreme Council is responsible for
awarding the authentications, but will not award them (i) to members who
behave badly or fall seriously behind with their dues; (ii) to members who
have not paid their fees for admission or promotion; and (iii) to neophytes. Orders of the Supreme Assembly, approved at a meeting held on
January 1, 1896 First: Everyone should note that the members who have taken positions on the
Supreme Council for this year are as follows: President, Kap. Maypagasa [Andres
Bonifacio]; Fiscal, Kap. Dimasayaran
[Pio Valenzuela]; Secretary, Kap. Pingkian
[Emilio Jacinto]; Treasurer, Kap. Maniangat [Vicente Molina]; and Councilors
Kaps. Tagaisok
[Aguedo del Rosario]; Talibong [Hermenegildo Reyes]; Bulalakaw [Pantaleon
Torres]; Subiang [Jose Trinidad]; and Silang [Balbino Florentino].[1] Second: The former habit of turning a blind eye to
failings within the society must now cease; and henceforth the councils of
the K.K.K. will judge and punish all deficiencies and acts of treachery with
the utmost severity. Third: In line with the fifth order given by the Supreme
Assembly at its meeting on December 24, 1895, and given the pressing need to
put that order into effect, the Supreme Assembly has decided after careful
consideration (i) that all sections should send to the Supreme Council the
fees paid by members upon their admission to the society and upon their
promotion to the rank of Soldier of Distinction; (ii) that together with this
money the sections should also send details of the members who paid the fees,
specifying their name, alias, place of birth, place of residence, situation
(presumably meaning marital status), occupation and date of admission to the
society; (iii) the money collected will be hidden in a metal chest owned by
Kap. Maniangat [Vicente Molina], and this chest will be kept in the house of
Kap. Dimasayaran [Pio Valenzuela] because it is not unusual for a physician
to own a metal chest, called a talega;
(iv) on the first day of every month each section should send three members
to inspect this money in order to refute the slanderous accusation that there
is disorderliness in the K.K.K., and also to ensure the money is not taken by
a renegade for his own purposes. Note:
The three members assigned to inspect the money should be different
individuals every month. Fourth [sic]:
Since the Supreme Council has a duty to ensure that the whole Katipunan is
completely clean, especially with in relation to money, six members of the
Council will inspect the money of all the sections every three months. Fifth: The real
representatives of the sections on the Supreme Assembly are the section
presidents, but sections that are far distant may appoint members who live
closer to represent them. Any member
may be appointed in this way, from the chiefs and councillors of the Supreme
Council to an ordinary member from a branch or provincial unit. If a section president cannot attend a
Supreme Assembly meeting for any unforeseen reason, he should assign one of
his fellow leaders to take his place. Note:
As stated, the sections should be represented on the Supreme Assembly
by their respective presidents; this means that the presidents of the
Provincial Councils or their proxies who live in Orders of the Supreme Council On January 3, 1896 the Supreme
Council received accusations against Kap. Kidlat [Hermogenes Plata], the
fiscal of By. Katutuhanan, and on January 7 the Supreme Council questioned
Kap. Kidlat about these accusations.
As a result, it has been established (i) that Kap. Kidlat disobeyed
the Supreme Assembly, and therefore the whole Katipunan; (ii) that he
attempted to separate By. Katutuhanan from the KKK; (iii) that he violated
the third order approved by the Supreme Assembly at its meeting on November
30, 1895; (iv) that he moved the funds of his branch without notifying
anybody; and (v) that he tried to deny
the truth of these accusations after having sworn to tell the whole truth,
despite having previously confessed.
Having regard to the fact that any one of these transgressions would
be sufficient to warrant his punishment in accordance with the aforementioned
third order approved by the Supreme Assembly in November, this Supreme
Council directs that Kap. Kidlat be expelled from the Katipunan and that his
picture be displayed alongside those of the traitors.[2] These orders should be circulated
and made known to the whole Katipunan.
Receive our close embrace. The supreme president. The supreme secretary Maypagasa |
|
|
Notes
[1] The elections
had been held at the Supreme Assembly meeting held on December 24-25, 1895, but
this note refers to the oath-taking and formal induction of those elected,
which took place took place at the subsequent Supreme Assembly meeting on
January 1, 1896. The sixth councillor,
Francisco Carreon, was absent on that occasion and Bonifacio has therefore
omitted his name at this juncture.
[2] It is not known what is meant here by the
“third order”.