|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Supreme Council Record
of meeting held on March 29, 1896, in
Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja
5677, leg.1.18 |
||
|
Introduction On Sunday, March 29, 1896, Pio Valenzuela, Aguedo del Rosario and
Pantaleon Torres went to the town of Elected as president of Sb. Nagbangon was “Magaling” (Eulalio
Santiago), who was a tailor. Transcribed below is the record of the occasion, which is in Emilio
Jacinto’s handwriting even though he had not personally been present. |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
K . K . K. N. M. A. N. B. Kataastaasang Sangunian (
Pinagsulatan) Sa ngalan ng Bayang
tinubuan at sa lalung kapurihan at kaayusan ng K.K.K. Ngayong ikadalawang
puo’t siam ng Marzo ng taung isang libo, walong dan, siam na puo’t anim,
pinulong nitong K.S. sa pamagitan ng k. t, ng k. pangalawang kal. at ng
kasanguning Bulalakaw ang By. Nagbangon ng bayan ng Pasig sa bahay ng kap. na
Mabato. Sa unang daguk ng bakal
sa tansu ng hapun ay binuksan ang kar., at tuloy ipinahayag ng kap. na Dimas
Ayaran na siyang nangungulo, ang dahil ng pagpupulong na ito, na di iba’t ang
pagtatayu ng Sb., sapagka’t ang mga kpon. ng By. Nagbangon ay sumasaka’y na
sa kabilangang kinakailangan, ayon sa talagang palakad. Sa bagay na ito’y ginawa
ang paghahalal ng mga pinuno’t kasanguni ng itinatayung Sb., at lumabas na p.
ang kap. na Magaling, t. ang kap. na Yantok, kal. ang kap na Timog, ty. ang
kap. na Nagbago, at mga kasanguni ang mga kap. na Kakawate, Habagat, Magingat
at Mabato. Pinapanumpa at
pinatangap ng kanikanilang katungkulan ang mga kap. na ito, at saka
ipinahayag ng kap. na nangungulo, na buhat sa araw na ito’y natatayu sa bayan
ng Pasig ang Sb. Nagbangon. Karakarakang nagawa
ito’y ipinagsabi ng kap. na Dimas Ayaran, ang pagkakailangang magtayu ng
isang bagong By. na kasasaniban ng mga ibang kpon. Sa bagay na ito’y pinagkaisahang alam ng
Pinaglabanan ang By. na itatayu. Ginawa ang paghahalal ng
mga pinuno at lumabas na p. ang kap. na Halo.
Pinagkaisahang manatili sa kanilang katungkulan ang mga pinuno ng dating
By. Nagbangon, sa itinatayung By. Pinaglabanan, liban ang p. sapagka’t siyang
nahalal sa Sb. Pinapanumpa at
pinatangap sila ng kanikanilang katungkulan at saka ipinahayag na buhat sa
araw na ito’y natatayu sa ilalim ng kapangharihan ng Sb. Nagbangon ang By.
Pinaglabanan. At saka [one word
illegible] at ipinagsaysay ng kap. na nangungulo ang gaganapin sa bawat
katungkulan. Kapagkatapus manumpa ang
lahat na di isisiwalat ang namasdan at napakingan, niwakasan itong
pagpupulong sa ikatlong daguk ng bakal sa tansu ng hapun. Maynila ika 29 ng Marzo
taung 1896. Ang Pangalawang-Kal. Ang
lumagay na P. K.T. |
|
|