|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Membership documents Katipunan nang
manga A. N. B. – Sa may nasang
makisanib sa katipunang ito [The “Kartilya”] Sources: The first two paragraphs and the subsequent asterisked
footnote have been transcribed from the photograph of the front page of a
printed “Kartilya” in Adrian E. Cristobal,
The Tragedy of
the Revolution (Makati
City: Studio 5 Publishing Inc., 1997) p.46; the remainder of the text has
been copied from the version in José P. Santos, Buhay at mga sinulat ni Emilio Jacinto (Manila: José Paez
Santos, 1935), pp.59-63. The photographed text has been used initially not
because there are any doubts about the authenticity of the |
||
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
|
|
|
KATIPUNAN
NANG MANGA
A.
N. B.
SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO Sa pagkakailangan, na ang lahat na
nagiibig pumasuk sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na pananalig at
kaisipan sa mga layong tinutungo at mga kaaralang pinaiiral, minarapat na
ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa’y huag silang
magsisi at tuparing maluag sa kalooban ang kanilang mga tutungkulin. Ang kabagayang pinaguusig ng
katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at
kaisipan ng lahat ng tagalog (*) sa pamagitan ng isang mahigpit na panunumpa,
upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na
nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuiran at
Kaliwanagan. (*) Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat nang
tumubo sa Sangkapuluang ito ; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog
din. Dito’y isa sa mga kaunaunahang
utos, ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng
isa’t isa. Maralita, mayaman, mangmang,
marunong, lahat dito’y magkakapantay at tunay na magkakapatid. Kapagkarakang mapusok dito ang sino
man, tataligdan pilit ang buhalhal na kaugalian, at paiilalim sa
kapangyarihan ng mga banal na utos ng katipunan. Ang gawang lahat, na laban sa
kamahalan at kalinisan, dito’y kinasusuklaman; kaya’t sa bagay na ito
ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan ng sino mang nagiibig
makisanib sa katipunang ito. Kung ang hangad ng papasuk dito’y
ang tumalastas lamang o mga kalihiman nito, o ang ikagiginhawa ng sariling
katawan, o ang kilalanin ang mga naririto’t ng maipagbili sa isang dakot na
salapi, huag magpatuloy, sapagkat dito’y bantain lamang ay talastas na ng
makapal na nakikiramdam sa kaniya, at karakarakang nilalapatan ng mabisang
gamut, na laan sa mga sukaban. Dito’y gawa ang hinahanap at gawa
ang tinitignan; kaya’t hindi dapat pumasuk ang di makagagawa, kahit magaling
magsalita. Ipinauunawa din, ang mga
katungkulang ginaganap ng lahat ng napaaanak sa katipunang ito ay lubhang
mabibigat lalung lalu na, kung gugunitain na di magyayaring maiiwasan at
walang kusang pagkukulang na di aabutin ng kakilakilabot na kaparusahan. Kung ang hangad ng papasuk dito,
ang siya’y abuluyan o ang ginhawa’t malayaw na katahimikan ng katawan, huag
magpatuloy, sapagkat mabigat na mga katungkulan ang matatagpuan, gaya ng
pagtatangkilik sa mga naaapi at madaluhong na paguusig sa lahat ng kasamaan;
sa bagay na ito ay aabuting ang maligalig na pamumuhay. Di kaila sa kangino paman ang mga
nagbalang kapahamakan sa mga tagalog na nakaiisip nitong mga banal na
kabagayan (at hindi man), at mga pahirap na ibinibigay na nagharing
kalupitan, kalikuan at kasamaan. Talastas din naman ng lahat ang
pagkakailangan ng salapi, na sa ngayo’y isa sa mga unang lakas na maaasahang
magbibigay buhay sa lahat; sa bagay na ito, kinakailangan ang lubos na
pagtupad sa mga pagbabayaran; piso sa pagpasok at sa buan buan ay
sikapat. Ang salaping ito’y
ipinagbibigay alam ng nagiingat sa tuing kapanahunan, bukod pa sa
mapagsisiyasat ng sinoman kailan ma’t ibigin.
Di makikilos ang salaping ito, kundi pagkayarin ng karamihan. Ang lahat ng ipinagsaysay at dapat
gunitain at mahinahong pagbulaybulayin, sapagkat di magaganap at di matitiis
ng walang tunay na pagibig sa tinubuang lupa, at tunay na adhikang
ipagtangkilik ang Kagalingan. At ng lalong mapagtimbang ng sariling isip
at kabaitan, basahin ang sumusunod na MGA ARAL NANG KATIPUNAN NG MGA
A.N.B ---------- Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan
ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag. Ang gawang magaling
na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at
hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. Ang tunay na
kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa
kapua at ang isukat ang
bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuiran. Maitim man at
maputi ang kulay ng balat,
lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa
yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa pagkatao. Ang may mataas na kalooban inuuna
ang puri sa pagpipita sa sarili; ang
may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa
puri. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa. Huag mong sasayangin
ang panahun; ang yamang nawala’y
magyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli
pang magdadaan. Ipagtanggol mo ang inaapi,
at kabakahin ang umaapi. Ang taong matalino’y
ang may pagiingat sa bawat sasabihin,
at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t
mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama,
ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din. Ang babai ay huag
mong tignang isang bagay na
libangan lamang, kundi isang katuang
at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t
nagiwi sa iyong kasangulan. Ang di mo ibig
na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag mong gagawin
sa asawa, anak, at kapatid ng iba. Ang kamahalan ng tao’y wala
sa pagkahari, wala sa tangus
ng ilong at puti ng mukha,
wala sa pagkaparing KAHILILI NG DIOS, wala
sa mataas na kalagayan sa balat ng
lupa; wagas at tunay na mahal
na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi’t
di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang
tinubuan. Paglaganap ng mga
aral na ito at maningning na sumikat ang
araw ng mahal na Kalayaan
dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang
magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng
walang katapusan, ang mga ginugol
na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y
labis nang natumbasan. Kung lahat ng ito’y
mataruk na ng nagiibig pumasuk
at inaakala niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasa sa kasunod nito. SA HKAN. NG
_____________________________________________ AKO’Y
SI_____________________________________________ TAONG TUBO SA BAYANG NG______________________________ HUKUMAN NG _________________________ANG KATANDAAN KO AY___________TAON, ANG HANAP BUHAY_____________________ ANG KALAGAYAN____________________________AT NANANAHAL- NAN SA ________________________DAAN
NG____________________ Sa aking
pagkabatid ng boong kagalingan ng mga nililayon at ng mga aral, na
inilalathala ng KATIPUNAN ng mga A.N.B. ninais ng loob ko ang makisanib
dito. Sa bagay na ito’y aking
ipinamamanhik ng boong pitagan, na marapating tangapin at mapakibilang na isa
sa mga anak ng katipunan: at tuloy nangangakong tutupad at paiilalim sa mga
aral at Kautusang sinusunod dito. ______________________ika
____________ng buan ng _________________ ____________________ng taong 189__. Nakabayad na ng
ukol sa pagpasok. ANG TAGA
INGAT NG YAMAN. |
|
|
|
|
|
|