|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Mataas na Pamunuan Record
of meeting held on December 3, 1896
Source: Archivo
General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.119 |
||
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
|
|
|
|
Dito sa tahanan ng Mataas na Pamunuan ika tatlo ng
Diciembre ng taong isang libo, walong daan, siyam na puo at anim: kaming
nangagsi pagtala sa ibaba ng aming pangalan, ay nagsasaysay sa kasulatang ito,
na sa araw ng Viernes na darating ika labing isa ng buang lumalakad, o kung
dili kaya’y sa araw ng Sabadong susunod, ay aming papasukin at sasalakayin
ang Bayang Pasig na nasasakop nitong Hukuman ng Maynila, ayon sa aming
pinagkayaria’t pinagkaisahang lahat.
Ito’y aming pinagtitibay sa Ngalan ng Bayang tinubuan, at sa
katunaya’y ipinagtayo namin nitong kasulatan na aming pinagpirmahan sa harap
ng Mataas na Pangulo at Mataas na Kalihim. Ang Mataas na Pangulo [sgd] Isid. Francisco Añora Sa kabila. Ang
ibang pirma. [signatures] L.N.D.B Hermogenes
Bautista [sgd] Barras Kalihim N.P.H. Francisco
de los Santos Mariano [?, illegible] Pagisa Mulanon Ang M. na Tagaingat yaman Ang M. na Kalihim Nicolas de Lara Julio
Nakpil Sumisikat (Giliw) Sa utos ng Mataas na Pang-ulo, ay [illegible] ng
Katipunan na nasasakop niya, ng mga sulat na sila’y mangag si paritong walang
sala araw ng Jueves na darating ika sampuo ng lumalakad upang makasama sa
salakay na pinagkayarian, ngayon ika tatlo ng Diciembre ng isang libo walong
daan, siyam na puo at anim.
Pinatototohanan ko. Ang M. na Kalihim Giliw Inilakip dito ang sumusunod na sulat, tungkul sa
salakay na pinagkayarian ngayon ika 3 ng Diciembre ng 1896. Pinatototohan ko – Giliw. |
|
|
|
|
|
|